AWIT 77
Liwanag sa Mundong Madilim
-
1. Sa mundong may kadiliman,
Sisikat liwanag.
Gaya ng bukang-liwayway,
Araw ay sisinag.
(KORO)
Sa dilim sumikat,
Mensahe na kay ganda.
Dulot ay pag-asa—
Pagsikat ng araw,
Kinabukasa’y tanaw—
Umaga na.
-
2. Gisingin ang natutulog
Habang may panahon.
Pag-asa ay ibahagi,
Patibaying-loob.
(KORO)
Sa dilim sumikat,
Mensahe na kay ganda.
Dulot ay pag-asa—
Pagsikat ng araw,
Kinabukasa’y tanaw—
Umaga na.
(Tingnan din ang Juan 3:19; 8:12; Roma 13:11, 12; 1 Ped. 2:9.)