Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 80

Tikman at Tingnan ang Kabutihan ni Jehova

Tikman at Tingnan ang Kabutihan ni Jehova

(Awit 34:8)

  1. 1. Ang maglingkod kay Jehova,

    Isang pribilehiyo sa ’tin.

    Oras at lakas ay handog natin,

    Marami pa ang gawain.

    (KORO)

    Ating tikman at tingnan ngayon

    Ang kabutihan ni Jah.

    May gantimpala ’pag ’binigay

    Ang buong makakaya.

  2. 2. Buong-panahong lingkod niya,

    Saganang pinagpapala.

    Nagtitiwalang Diyos maglalaan,

    Kontento at maligaya.

    (KORO)

    Ating tikman at tingnan ngayon

    Ang kabutihan ni Jah.

    May gantimpala ’pag ’binigay

    Ang buong makakaya.