AWIT 85
Tanggapin ang Isa’t Isa
-
1. Tinatanggap lahat ng narito
Upang sa Bibliya ay matuto.
Sa landas ng buhay inaakay;
Sa Diyos ating pasasalamat ibigay.
-
2. Mahal na mga kapatid natin
Na masayang tumanggap sa ’tin,
Pahalagahan, tularan natin.
Bagong mga kaibigan ating tanggapin.
-
3. Ang lahat ay inaanyayahan,
Nang katotohana’y malaman.
Tayo ngayo’y inilapit ng Diyos,
Kaya bawat isa’y tanggapin nang lubos.
(Tingnan din ang Juan 6:44; Fil. 2:29; Apoc. 22:17.)