Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 91

Aming Pagpapagal Dahil sa Pag-ibig

Aming Pagpapagal Dahil sa Pag-ibig

(Awit 127:1)

  1. 1. O Diyos naming Jehova,

    Araw na ’to ay kay saya!

    Pinarangalan mo, lingkod mo,

    Dulot ay tuwa.

    Gawa ng aming kamay,

    Pagpapala mo’y ’binigay,

    Ang gusaling ito’y narito—

    Isang patunay.

    (KORO)

    Jehova, aming pribilehiyo

    Ang magtayo para sa ’yo.

    Nais naming paglingkuran ka habambuhay;

    Papuri ay handog sa ’yo.

  2. 2. Naging magkakaibigan;

    O kay saya ng samahan!

    Mga alaala ay hindi

    malilimutan!

    Kami ay nagkaisa,

    Espiritu mo’y sagana.

    Isang karangalan, ’yong ngalan

    ay madakila.

    (KORO)

    Jehova, aming pribilehiyo

    Ang magtayo para sa ’yo.

    Nais naming paglingkuran ka habambuhay;

    Papuri ay handog sa ’yo.

(Tingnan din ang Awit 116:1; 147:1; Roma 15:6.)