Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 96

Ang Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan

Ang Aklat ng Diyos—Isang Kayamanan

(Kawikaan 2:1)

  1. 1. Mayro’ng aklat na may dalang pag-asa;

    Dulot sa tao ay kagalakan.

    Kahanga-hanga ang kapangyarihan

    Mga “bulag” naliliwanagan.

    Ito ay ang Banal na Kasulatan—

    Aklat ng Diyos na ’pinasulat niya

    Sa mga umiibig sa kaniya at

    Ginabayan ng espiritu niya.

  2. 2. Ang paglikha ng Diyos ay iniulat,

    Nang ang lahat ay kaniyang ginawa.

    Ang tao no’n ay ’di makasalanan,

    Ngunit ang Paraiso’y nawala.

    Sinabi na isang anghel sa langit

    Ang humamon sa Diyos at sumuway.

    Dulot ay pagdurusa’t kasalanan,

    Ngunit kay Jehova ang tagumpay.

  3. 3. Ngayon ay panahon ng kagalakan:

    Namamahala na’ng Kaharian.

    Ito ay ating ipinangangaral,

    Pag-asa’t pagpapala ang laan.

    Sa aklat niya ito ay mababasa;

    Saganang ’spirituwal na pagkain.

    Dulot ay tunay na kapayapaan;

    Kayamanang dapat na basahin.

(Tingnan din ang 2 Tim. 3:16; 2 Ped. 1:21.)