AWIT 97
Kailangan ang Salita ng Diyos Para Mabuhay
-
1. Salita ni Jehova ay
kailangan sa buhay.
Araw-araw na basahin
at gawing patnubay;
Dulot ay kapayapaan,
kagalaka’y taglay.
(KORO)
Ang tao ay mabubuhay
’di lang sa tinapay.
Salita ng Diyos ang gabay
para sa ’ting buhay.
-
2. Mga lingkod noong una,
dito’y iniulat,
May pananampalataya,
nanatiling tapat.
Sa t’wing ating binabasa
ay napatitibay.
(KORO)
Ang tao ay mabubuhay
’di lang sa tinapay.
Salita ng Diyos ang gabay
para sa ’ting buhay.
-
3. Pag-asa ay natatamo
sa t’wing binabasa;
Karunungan na kailangan
’pag mayro’ng problema.
Mga natutuhan natin,
kayamanang tunay.
(KORO)
Ang tao ay mabubuhay
’di lang sa tinapay.
Salita ng Diyos ang gabay
para sa ’ting buhay.