Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 113

Ang Taglay Nating Kapayapaan

Ang Taglay Nating Kapayapaan

(Juan 14:27)

  1. 1. Si Jehova ay Diyos ng

    pagkakaisa.

    Ang lahat ng digmaan,

    papawiin niya.

    At sa pamamahala

    ni Jesu-Kristo,

    Kapayapaang tunay

    ang matatamo.

  2. 2. Ang galit at alitan,

    ating iniwan.

    Ang espada at sibat

    ay binitiwan.

    Nang maging mapayapa,

    magpatawaran.

    Bilang tupa ni Jesus

    ay mag-ibigan.

  3. 3. Ating kapayapaan

    ay katunayan

    Na pagpapala ng Diyos,

    ating nakamtan.

    Ang kaniyang kautusan

    ay handang sundin.

    Mapayapang landasin,

    ating tahakin.