AWIT 114
“Maging Matiisin”
-
1. Pangalan ni Jehova
ay labis na siniraan;
Lubha niyang ninanais
Linisin ang kadustaan.
Mahabang panahon niya
itong pinagtiisan.
Hindi siya nanghimagod,
Kahit maghintay man.
Layunin niya sa tao,
Kaligtasan ay makamtan.
Pagtitiis ng Diyos ay
hindi walang-kabuluhan.
-
2. Pagtitiis kailangan
sa makadiyos na landasin.
Puso’y pinapayapa;
Galit ay napipigil din.
Nakikita sa tao,
Kanilang kabutihan.
Katinuan ng isip
ay naiingatan.
Tularan si Jehova;
Katangian niya’y taglayin.
Espiritu niya’y tulong
upang maging matiisin.
(Tingnan din ang Ex. 34:14; Isa. 40:28; 1 Cor. 13:4, 7; 1 Tim. 2:4.)