AWIT 116
Nakagiginhawa ang Kabaitan
-
1. Pinupuri ka namin, Jehova,
Mula sa ’ming puso.
Sagana man ang dunong mo’t lakas,
Kabaitan ay taglay mo.
-
2. Tinatawag ni Kristo ang lahat
ng nabibigatan.
Pamatok niya’y mabait, magaan;
Dulot ay kaginhawahan.
-
3. Katangian ng Diyos at ni Jesus
ay ating tularan.
Kung tataglayin ang kabaitan,
Dulot mo’y kaginhawahan.
(Tingnan din ang Mik. 6:8; Mat. 11:28-30; Col. 3:12; 1 Ped. 2:3.)