AWIT 124
Ipakita ang Katapatan
-
1. Katapatan, ipakita
sa ’ting Diyos na Jehova.
Bilang bayang nakaalay,
Alamin ang utos niya.
Payo niya ay makat’wiran;
Sundin ang kaniyang gabay.
Siya’y tapat, maaasahan.
Sa kaniya’y ’di wawalay.
-
2. Katapatan, ipakita
sa ’ting mga kapatid;
May tiwala’t malasakit,
at palaging mabait.
Ang dangal ay ipakita;
Igalang silang tunay.
Sa buklod ng kapatiran,
Huwag tayong hihiwalay.
-
3. Katapatan, ipakita
sa mga nangunguna.
Sundin natin mga payo
at tagubilin nila.
Pagpapala ni Jehova,
Ito ay sasaatin.
Kung tapat at masunurin,
Pagsang-ayo’y kakamtin.
(Tingnan din ang Awit 149:1; 1 Tim. 2:8; Heb. 13:17.)