Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 126

Manatiling Gisíng at Magpakatibay

Manatiling Gisíng at Magpakatibay

(1 Corinto 16:13)

  1. 1. Gising na! Magpakatibay;

    Manatiling matapat.

    Taglayin ang katapangan;

    Ang tagumpay ay tiyak!

    Kay Jesus tayo ay sumunod,

    Matatag at may lakas-loob.

    (KORO)

    Gising na at magpakatibay

    Hanggang sa ’ting tagumpay!

  2. 2. Gising na! Sundan ang Kristo.

    Laging handang sumunod

    Sa patnubay ng aliping

    inatasang maglingkod.

    Payo ng matatanda sa ’tin,

    Bilang tupa ay ating sundin.

    (KORO)

    Gising na at magpakatibay

    Hanggang sa ’ting tagumpay!

  3. 3. Gising na at ipangaral

    ang mabuting balita.

    Humadlang man ang kaaway,

    Tayo’y magkakaisa.

    Ihayag natin si Jehova;

    Kaniyang araw ay malapit na!

    (KORO)

    Gising na at magpakatibay

    Hanggang sa ’ting tagumpay!