Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 131

Ang Pinagsama ng Diyos

Ang Pinagsama ng Diyos

(Mateo 19:5, 6)

  1. 1. Kristiyanong kasalan,

    mayro’ng kagalakan;

    Saksi ang Diyos at tao

    sa mga sumpaan.

    (KORO 1)

    Ang nobyo ay nanata,

    Asawa’y mahalin.

    Ang pinagsama ng Diyos,

    Huwag paghiwalayin.

  2. 2. Ang Salita ng Diyos,

    Gabay na susundin.

    Dalangi’y pagpapala;

    Pangako’y gagawin.

    (KORO 2)

    Ang nobya ay nanata,

    Asawa’y mahalin.

    Ang pinagsama ng Diyos,

    Huwag paghiwalayin.