AWIT 132
Tayo’y Isa Na
-
1. ’Di na ako nag-iisa.
Ngayo’y laging may katuwang na.
Diyos naglaan ng kasama
Bilang regalo niya.
Tayo’y isa, pinagsama;
Tamasahin pagpapala niya.
Bilang lalaki’t babae,
Tayo’y ’sang pamilya.
Sa t’wina, maglilingkod sa Diyos.
Ipadarama
ang pag-ibig na wagas.
Maging tapat sa sumpaan;
Makamtan ang kaligayahan.
Parangalan si Jehova,
Mahal kita, walang hanggan.
(Tingnan din ang Gen. 29:18; Ecles. 4:9, 10; 1 Cor. 13:8.)