Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 135

“Magpakarunong Ka, Anak Ko”

“Magpakarunong Ka, Anak Ko”

(Kawikaan 27:11)

  1. 1. Mahal kong anak,

    O ibigin mo ako.

    Sa tumutuya ay

    patunayan ito.

    Ang ’yong debosyon ay

    kusang ibinigay;

    Inialay mo sa

    ’kin ang iyong buhay.

    (KORO)

    Aking anak, magpakarunong;

    Pasayahin ang puso ko.

    Kusang-loob kang pumupuri;

    Buong-pusong naglilingkod.

  2. 2. Sa paglilingkod sana’y

    laging masaya.

    Kapag nadapa ka,

    ibabangon kita.

    May magtaksil man o

    may bumigo sa ’yo,

    Ako’y narito na

    nagmamahal sa ’yo.

    (KORO)

    Aking anak, magpakarunong;

    Pasayahin ang puso ko.

    Kusang-loob kang pumupuri;

    Buong-pusong naglilingkod.