Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AWIT 142

Manalig sa Ating Pag-asa

Manalig sa Ating Pag-asa

(Hebreo 6:18, 19)

  1. 1. Sangkatauhan ay nasa kadiliman;

    Pagsisikap ay walang kabuluhan.

    Kaligtasan ’di nila mailaan,

    Dahil lahat makasalanan.

    (KORO)

    O kay saya, Kaharia’y heto na!

    Anak niya ang papawi sa pangamba.

    Magwawakas na ang kasamaan;

    Pag-asang ito’y mapananaligan.

  2. 2. Araw ni Jehova ay dumarating na;

    Pagtitiis nati’y matatapos na.

    Lahat ng nilikha’y palalayain.

    Diyos na Jehova ay purihin.

    (KORO)

    O kay saya, Kaharia’y heto na!

    Anak niya ang papawi sa pangamba.

    Magwawakas na ang kasamaan;

    Pag-asang ito’y mapananaligan.