AWIT 147
Buhay na Walang Hanggan—Isang Pangako
-
1. Ipinangako ng Diyos ang
Buhay na walang hanggan.
Maaamo ay tatahan
Magpakailan pa man.
(KORO)
Walang-hanggang buhay,
Pagsikapang tunay.
Ang kaniyang pangako
’Di mabibigo.
-
2. Magiging ’sang paraiso;
Ang lupa ay kay ganda.
Sa patnubay ni Jehova,
Buhay ay payapa.
(KORO)
Walang-hanggang buhay,
Pagsikapang tunay.
Ang kaniyang pangako
’Di mabibigo.
-
3. Kalungkuta’y mapapawi
Sa pagkabuhay-muli.
Bawat luha’y papahirin;
Kay sarap isipin!
(KORO)
Walang-hanggang buhay,
Pagsikapang tunay.
Ang kaniyang pangako
’Di mabibigo.
(Tingnan din ang Isa. 25:8; Luc. 23:43; Juan 11:25; Apoc. 21:4.)