Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 3

Paggamit ng mga Tanong

Paggamit ng mga Tanong

Mateo 16:13-16

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Gumamit ng angkop na mga tanong kapag nangangatuwiran sa mga tagapakinig, para makuha at mapanatili ang interes nila, at para maidiin ang mahahalagang punto.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Kunin at panatilihin ang interes. Gumamit ng retorikal na mga tanong para mapaisip ang mga tagapakinig at maging interesado silang matuto.

  • Mangatuwiran. Tulungan ang mga tagapakinig na makita ang lohika ng sinasabi mo sa pamamagitan ng paggamit ng magkakasunod na tanong na umaakay sa makatuwirang konklusyon.

  • Idiin ang mahahalagang punto. Gumamit ng tanong para maging interesado ang mga tagapakinig mo sa sasabihin mong punto. Gumamit ng mga tanong para marepaso ang isang mahalagang punto pagkatapos mo itong talakayin o bago magtapos ang pahayag o presentasyon mo.