Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 11

Sigla

Sigla

Roma 12:11

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Magsalita nang masigla para mapakilos ang mga tagapakinig.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Isapuso mo ang materyal. Habang naghahanda, pag-isipang mabuti ang kahalagahan ng mensahe mo. Maging pamilyar sa materyal mo para makapagsalita ka mula sa puso.

  • Isipin ang mga tagapakinig mo. Isipin kung paano sila makikinabang sa impormasyon na babasahin o ituturo mo. Pag-isipan kung paano mo ito babasahin o ituturo sa paraang lalo nila itong mapahahalagahan.

  • Gawing buháy ang pahayag o presentasyon mo. Magsalita nang masigla. Ipakita ang nadarama mo sa pamamagitan ng ekspresyon ng iyong mukha at natural na pagkumpas.