Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 17

Madaling Maintindihan

Madaling Maintindihan

1 Corinto 14:9

KUNG ANO ANG GAGAWIN: Tulungan ang mga tagapakinig na maintindihan ang kahulugan ng mensahe mo.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Pag-aralang mabuti ang materyal. Unawaing mabuti ang paksa para maipaliwanag mo ito nang simple sa sarili mong pananalita.

  • Gumamit ng maiikling pangungusap at simpleng mga parirala. Puwede namang gumamit ng mahahabang pangungusap, pero ipaliwanag ang mahahalagang punto sa maiikling parirala o pangungusap.

  • Ipaliwanag ang mga terminong di-pamilyar. Huwag gaanong gumamit ng mga terminong di-pamilyar sa mga tagapakinig mo. Kung kailangan mong bumanggit ng di-pamilyar na termino, karakter sa Bibliya, o sinaunang panukat o kaugalian, ipaliwanag ito.