Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 33

Ano ang Gagawin ng Kaharian?

Ano ang Gagawin ng Kaharian?

Namamahala na ang Kaharian ng Diyos. At malapit na itong gumawa ng malalaking pagbabago sa lupa. Tatalakayin natin ang magagandang bagay na gagawin ng Kaharian.

1. Paano ibabalik ng Kaharian ng Diyos ang kapayapaan at katarungan sa lupa?

Bilang Hari sa Kaharian ng Diyos, pupuksain ni Jesus ang masasamang tao at mga gobyerno sa digmaan ng Armagedon. (Apocalipsis 16:​14, 16) Sa panahong iyon, matutupad ang pangako ng Bibliya: “Kaunting panahon na lang at ang masasama ay mawawala na.” (Awit 37:10) Gagamitin ni Jesus ang Kaharian para magkaroon ng kapayapaan at katarungan sa buong lupa.​—Basahin ang Isaias 11:4.

2. Ano ang magiging buhay sa lupa kapag nangyari na ang kalooban ng Diyos?

Kapag namahala na ang Kaharian ng Diyos, “ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at titira sila roon magpakailanman.” (Awit 37:29) Isipin ito: Lahat ng tao ay matuwid, o mabuti at mahal si Jehova at ang isa’t isa! Wala nang magkakasakit, at lahat ay mabubuhay magpakailanman.

3. Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos kapag wala na ang masasama?

Pagkatapos puksain ang masasama, mamamahala si Jesus bilang Hari nang 1,000 taon. Sa panahong iyon, makakasama niya ang 144,000 tagapamahala at tutulungan nila ang mga tao na maging perpekto. Sa pagtatapos ng panahong iyon, magiging napakagandang paraiso ang lupa. Lahat ng tao ay magiging masaya kasi sinusunod nila ang mga utos ni Jehova. Pagkatapos, ibabalik ni Jesus ang pamamahala sa Ama niya, si Jehova. Sa panahong iyon, lubusan nang ‘mapapabanal ang pangalan’ ni Jehova. (Mateo 6:​9, 10) Talagang mapapatunayan na si Jehova ay isang mabuting Tagapamahala na nagmamalasakit sa mga tao. Pagkatapos, pupuksain ni Jehova si Satanas, ang mga demonyo, at ang lahat ng magrerebelde sa pamamahala niya. (Apocalipsis 20:​7-10) Ang magagandang bagay na gagawin ng Kaharian ng Diyos sa lupa ay mananatili magpakailanman.

PAG-ARALAN

Alamin kung bakit tayo makakapagtiwala na gagamitin ng Diyos ang Kaharian niya para tuparin ang lahat ng pangako ng Bibliya tungkol sa hinaharap.

4. Tatapusin ng Kaharian ng Diyos ang gobyerno ng tao

“Namamahala [ang tao] sa kapuwa niya sa ikapipinsala nito.” (Eclesiastes 8:9) Gagamitin ni Jehova ang Kaharian niya para alisin ang kawalang-katarungan.

Basahin ang Daniel 2:44 at 2 Tesalonica 1:​6-8. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Ano ang gagawin ni Jehova at ng Anak niyang si Jesus sa gobyerno ng tao at sa mga sumusuporta rito?

  • Ngayong nalaman mo ang tungkol kay Jehova at kay Jesus, paano ka makakasiguro na magiging patas at makatarungan ang gagawin nila?

5. Karapat-dapat si Jesus bilang Hari

Bilang Hari sa Kaharian ng Diyos, maraming gagawin si Jesus para tulungan ang mga tao sa lupa. Panoorin ang VIDEO para makita na talagang gusto ni Jesus na tulungan ang mga tao at na binigyan siya ng Diyos ng kapangyarihan para gawin ito.

Noong nasa lupa si Jesus, ipinakita niya ang gagawin ng Kaharian. Alin sa mga pagpapalang mababasa mo rito ang gustong-gusto mo? Basahin ang mga teksto kung saan makikita ang mga pagpapalang iyon.

NOONG NASA LUPA, . . .

MULA SA LANGIT,  . . .

  • aalisin ni Jesus ang taggutom sa mundo.​—Awit 72:16.

  • sisiguraduhin ni Jesus na magkakaroon ang lahat ng perpektong kalusugan.​—Isaias 33:24.

6. Isang magandang kinabukasan ang ibibigay ng Kaharian ng Diyos

Gagawin ng Kaharian ang orihinal na layunin ni Jehova para sa mga tao. Mabubuhay sila magpakailanman sa isang paraisong lupa. Panoorin ang VIDEO para makita kung paano gagamitin ni Jehova ang Anak niyang si Jesus para tuparin ang layunin niya.

Basahin ang Awit 145:16. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang nararamdaman mo ngayong nalaman mo na ‘ibibigay ni Jehova ang inaasam,’ o kagustuhan, ng bawat bagay na may buhay?

MAY NAGSASABI: “Kung magtutulungan ang lahat ng tao, masosolusyunan ang mga problema sa mundo.”

  • Anong mga problema ang masosolusyunan ng Kaharian ng Diyos na hindi kayang solusyunan ng gobyerno ng tao?

SUMARYO

Tutuparin ng Kaharian ng Diyos ang layunin ni Jehova. Gagawin nitong paraiso ang buong mundo at titira doon magpakailanman ang mabubuting tao na sumasamba kay Jehova.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Paano papabanalin ng Kaharian ng Diyos ang pangalan ni Jehova?

  • Bakit tayo makakapagtiwala na tutuparin ng Kaharian ng Diyos ang mga pangako ng Bibliya?

  • Alin sa mga gagawin ng Kaharian ang gustong-gusto mong makita?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Alamin ang mga mangyayari habang at pagkatapos ng 1,000-taóng paghahari ni Jesus.

“Ano ang Mangyayari sa Araw ng Paghuhukom?” (Ang Bantayan, Setyembre 1, 2012)

Tingnan kung paano puwedeng bulay-bulayin ng mga pamilya ang mga pagpapala ng Kaharian.

Isiping Nasa Paraiso Ka Na (1:​50)

Sa kuwentong “Maraming Tanong na Gumugulo sa Aking Isipan,” alamin kung paano nakita ng isang dating rebelde ang solusyon na hinahanap niya.

“Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay” (Ang Bantayan, Enero 1, 2012)