Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 50

Paano Magiging Masaya ang Pamilya Mo?​—Bahagi 2

Paano Magiging Masaya ang Pamilya Mo?​—Bahagi 2

Ang mga anak ay regalo ni Jehova. Gusto niyang ingatan ng mga magulang ang regalong ito. Kaya nagbigay si Jehova ng mga payo para matulungan ang mga magulang na magawa ito. Matutulungan din ng mga payong ito ang mga anak para maging masaya ang buong pamilya.

1. Anong mga payo ang ibinigay ni Jehova sa mga magulang?

Gusto ni Jehova na mahalin ng mga magulang ang mga anak nila at bigyan nila sila ng maraming panahon hangga’t posible. Gusto rin niya na protektahan ng mga magulang ang mga anak nila at gamitin nila ang mga prinsipyo sa Bibliya para turuan ang mga anak nila. (Kawikaan 1:8) Sinabi niya sa mga ama: “Palakihin [ninyo ang mga anak ninyo] ayon sa disiplina at patnubay ni Jehova.” (Basahin ang Efeso 6:4.) Matutuwa si Jehova kung susundin ng mga magulang ang mga payo niya sa pagpapalaki ng mga anak at kung hindi nila iaasa sa iba ang responsibilidad na ito.

2. Anong mga payo ang ibinigay ni Jehova sa mga anak?

Sinabi ni Jehova sa mga anak: “Maging masunurin kayo sa inyong mga magulang.” (Basahin ang Colosas 3:​20.) Kapag iginagalang at sinusunod ng mga anak ang mga magulang nila, napapasaya nila si Jehova pati na ang mga magulang nila. (Kawikaan 23:​22-​25) Noong bata pa si Jesus, nagpakita siya ng mabuting halimbawa para sa mga anak. Kahit perpekto siya, sumunod pa rin siya sa mga magulang niya at iginalang niya sila.​—Lucas 2:​51, 52.

3. Paano mas magiging malapít sa Diyos ang inyong pamilya?

Kung isa kang magulang, siguradong gusto mong mahalin ng mga anak mo si Jehova gaya ng pagmamahal mo sa kaniya. Paano mo iyan magagawa? Kung susundin mo ang sinasabi ng Bibliya: “Itanim ninyo [ang salita ni Jehova] sa puso ng mga anak ninyo, at kausapin ninyo sila tungkol dito kapag nakaupo kayo sa inyong bahay, [at] kapag naglalakad sa daan.” (Deuteronomio 6:7) Ang salitang “itanim” ay nangangahulugan ng pagtuturo sa pamamagitan ng pag-uulit. Malamang na kapag may itinuturo ka sa mga anak mo, inuulit-ulit mo ito para mas maalala nila. Kaya sinasabi ng tekstong ito na dapat kang humanap ng pagkakataon araw-araw para turuan ang mga anak mo tungkol kay Jehova. Magandang magkaroon ng oras linggo-linggo para sama-sama kayong pamilya na sumamba kay Jehova. At kahit wala kayong anak, makikinabang pa rin kayo kung magbibigay kayo ng panahon para pag-aralan ang Salita ng Diyos linggo-linggo.

PAG-ARALAN

Pag-aralan ang mga puwede mong gawin para maging panatag at masaya ang inyong pamilya.

4. Magturo nang may pag-ibig sa inyong mga anak

Hindi laging madaling magturo sa mga anak. Paano ka matutulungan ng Bibliya? Basahin ang Santiago 1:​19, 20. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Paano maipapakita ng mga magulang na mahal nila ang kanilang mga anak kapag nakikipag-usap sila sa mga ito?

  • Kapag nagdidisiplina ng mga anak, bakit hindi dapat galít ang mga magulang? a

5. Protektahan ang iyong mga anak

Para maprotektahan ang iyong mga anak, napakahalagang ipakipag-usap sa kanila ang tungkol sa sex. Pero baka mailang ka na gawin ito. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Bakit nahihirapan ang ilang magulang na ipakipag-usap sa mga anak nila ang tungkol sa sex?

  • Paano naipaliwanag ng ilang magulang sa kanilang mga anak ang tungkol sa sex?

Gaya ng nakahula, pasama nang pasama ang sanlibutan ni Satanas. Basahin ang 2 Timoteo 3:​1, 13. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Kasama sa masasamang tao na tinutukoy sa talata 13 ang mga seksuwal na nang-aabuso ng mga bata. Kaya bakit mahalagang ituro ng mga magulang sa anak nila ang tungkol sa sex at kung paano mapoprotektahan ng mga ito ang sarili nila mula sa mga mang-aabuso?

Alam mo ba?

May mga video at artikulo na ginawa ang mga Saksi ni Jehova para matulungan ang mga magulang na turuan ang mga anak nila tungkol sa sex at maprotektahan sila mula sa mga mang-aabuso. Halimbawa, tingnan ang:

6. Igalang ang iyong mga magulang

Maipapakita ng mga bata at kabataan na iginagalang nila ang kanilang mga magulang sa paraan nila ng pakikipag-usap sa mga ito. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Bakit mahalagang makipag-usap nang may paggalang ang isang kabataan sa mga magulang niya?

  • Paano niya magagawa iyon?

Basahin ang Kawikaan 1:8. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang dapat na maging reaksiyon ng isang kabataan kapag dinidisiplina siya ng mga magulang niya?

7. Sambahin si Jehova bilang pamilya

Linggo-linggo, nagbibigay ng oras ang mga pamilya ng mga Saksi ni Jehova para sama-samang sumamba. Paano nila ito ginagawa? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Paano magkakaroon ng regular na Pampamilyang Pagsamba ang isang pamilya?

  • Ano ang puwedeng gawin ng mga magulang para maging praktikal at masaya ang Pampamilyang Pagsamba nila?​—Tingnan ang larawan sa simula ng araling ito.

  • Bakit mahirap kung minsan na mag-aral nang sama-sama ang pamilya?

Sa sinaunang Israel, gusto ni Jehova na pag-usapan ng mga pamilya ang tungkol sa Kasulatan. Basahin ang Deuteronomio 6:​6, 7. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Paano mo masusunod ang prinsipyong ito?

Ang mga puwedeng gawin para sa pampamilyang pagsamba:

  • Maghanda para sa pulong ng kongregasyon.

  • Magbasa ng isang kuwento sa Bibliya na magugustuhan ng pamilya mo at talakayin ito.

  • Kung mayroon kang maliliit na anak, puwede kang mag-download o mag-print ng activity para sa mga anak mo na makikita sa jw.org/tl.

  • Kung mayroon kang tin-edyer na mga anak, puwede mong talakayin sa kanila ang isang artikulo para sa mga kabataan na nasa jw.org/tl.

  • Gayahin ang isang kuwento sa Bibliya at kunwari, kayo ng mga anak mo ang tauhan sa kuwento.

  • Manood ng isang video sa jw.org/tl at talakayin ito.

MAY NAGSASABI: “Masyado kaming busy sa trabaho. Wala kaming panahon para turuan ang mga anak namin tungkol sa Bibliya.”

  • Ano ang sasabihin mo?

SUMARYO

Gusto ni Jehova na mahalin, turuan, at protektahan ng mga magulang ang mga anak nila; igalang at sundin ng mga anak ang mga magulang nila; at sama-samang sumamba sa kaniya ang mga pamilya.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Paano tuturuan at poprotektahan ng mga magulang ang mga anak nila?

  • Paano igagalang ng mga anak ang kanilang mga magulang?

  • Paano makikinabang ang isang pamilya kapag nagbigay sila ng oras linggo-linggo para sa pampamilyang pagsamba?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Anong mga aral ang dapat mong ituro sa mga anak mo na makakatulong sa kanila kapag adulto na sila?

“Anim na Aral na Dapat Ituro sa mga Anak” (Gumising! Blg. 2 2019)

Alamin ang mga payo ng Bibliya sa mga nag-aalaga ng may-edad nilang magulang.

“Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Pag-aalaga sa May-edad Nang mga Magulang?” (Artikulo sa jw.org/tl)

Tingnan kung ano ang nakatulong sa isang lalaking hindi alam kung paano magpalaki ng mga anak.

Tinuruan Kami ni Jehova na Palakihin ang Aming mga Anak (5:​58)

Tingnan kung paano magkakaroon ng malapít na kaugnayan ang mga tatay sa kanilang mga anak na lalaki.

“Paano Mananatiling Malapít ang Ama sa Kaniyang Anak na Lalaki?” (Ang Bantayan, Nobyembre 1, 2011)

a Sa Bibliya, ang salitang “disiplina” ay tumutukoy sa pagtuturo, pagpatnubay, at pagtutuwid. Pero hindi kasama rito ang pang-aabuso o pagiging malupit.​—Kawikaan 4:1.