Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Review ng Seksiyon 2

Review ng Seksiyon 2

Talakayin ninyo ng nagtuturo sa iyo ang mga tanong na ito:

  1. Ano ang gagawin ng Diyos sa mga huwad na relihiyon?

    (Tingnan ang Aralin 13.)

  2. Basahin ang Exodo 20:​4-6.

    • Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga taong nagsasabi na puwede siyang sambahin gamit ang mga imahen?

      (Tingnan ang Aralin 14.)

  3. Sino si Jesus?

    (Tingnan ang Aralin 15.)

  4. Anong mga katangian ni Jesus ang ­nagustuhan mo?

    (Tingnan ang Aralin 17.)

  5. Basahin ang Juan 13:​34, 35 at Gawa 5:42.

    • Sino ang mga tunay na Kristiyano ngayon? Paano mo nasabi na sila ay mga tunay na Kristiyano?

      (Tingnan ang Aralin 18 at 19.)

  6. Sino ang ulo ng kongregasyon, at paano niya ito inoorganisa?

    (Tingnan ang Aralin 20.)

  7. Basahin ang Mateo 24:14.

    • Paano natutupad ang hulang ito sa ­ngayon?

    • Sino na ang napangaralan mo ng ­mabuting balita?

      (Tingnan ang Aralin 21 at 22.)

  8. Sa tingin mo, mahalaga bang goal ang ­pagpapabautismo? Bakit?

    (Tingnan ang Aralin 23.)

  9. Paano mo mapoprotektahan ang sarili mo ­laban kay Satanas at sa mga demonyo?

    (Tingnan ang Aralin 24.)

  10. Ano ang layunin ng Diyos para sa atin?

    (Tingnan ang Aralin 25.)

  11. Bakit nagdurusa at namamatay ang mga tao?

    (Tingnan ang Aralin 26.)

  12. Basahin ang Juan 3:​16.

    • Ano ang ginawa ni Jehova para iligtas tayo sa kasalanan at kamatayan?

      (Tingnan ang Aralin 27.)

  13. Basahin ang Eclesiastes 9:5.

    • Ano ang nangyayari kapag namatay tayo?

    • Ano ang gagawin ni Jesus sa bilyon-bilyong namatay?

      (Tingnan ang Aralin 29 at 30.)

  14. Bakit mas nakakahigit ang Kaharian ng Diyos kaysa sa ibang gobyerno?

    (Tingnan ang Aralin 31 at 33.)

  15. Naniniwala ka ba na namamahala na ang ­Kaharian ng Diyos ngayon? Bakit? Kailan ito nagsimulang mamahala?

    (Tingnan ang Aralin 32.)