Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Handa Na Ba Ako?

Handa Na Ba Ako?

Handa Na Ba Akong Mangaral Kasama ng Kongregasyon?

Puwede ka nang maging di-bautisadong mamamahayag kung . . .

  • Regular kang nag-aaral ng Bibliya, nananalangin, at dumadalo sa mga pulong ng kongregasyon.

  • Naniniwala ka at pinapahalagahan mo ang mga natututuhan mo at gusto mo itong sabihin sa iba.

  • Mahal mo si Jehova at ang pinipili mong kaibigan ay ang nagmamahal din sa kaniya.

  • Hindi ka na miyembro ng anumang politikal na organisasyon o ng huwad na relihiyon.

  • Isinasabuhay mo na ang mga pamantayan ni Jehova at gusto mo nang maging Saksi ni Jehova.

Kung sa tingin mo ay handa ka nang mangaral kasama ng kongregasyon, puwede kang samahan ng nagtuturo sa iyo ng Bibliya na lumapit sa mga elder at sasabihin nila sa iyo ang mga dapat mong gawin.

Handa Na Ba Akong Magpabautismo?

Puwede ka nang magpabautismo kung . . .

  • Isa ka nang di-bautisadong mamamahayag.

  • Ginagawa mo ang lahat para regular kang makapangaral.

  • Sinusuportahan at sinusunod mo ang mga tagubilin ng “tapat at matalinong alipin.”​—Mateo 24:45-47.

  • Inialay mo na ang sarili mo kay Jehova sa panalangin at gusto mo siyang paglingkuran habambuhay.

Kung sa tingin mo ay handa ka nang magpabautismo, puwede kang samahan ng nagtuturo sa iyo ng Bibliya na lumapit sa mga elder at sasabihin nila sa iyo ang mga dapat mong gawin.