Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagtitiis

Pagtitiis

Paano nagpakita ng pagtitiis si Jehova?

Ro 2:4; 9:22

Tingnan din ang Ne 9:30

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Jer 7:​23-25—Sinabi ni Jehova na naging napakamatiisin niya kahit matigas ang ulo ng bayan niya

    • 2Pe 3:​3-9, 15—Ipinaliwanag ni apostol Pedro kung paano at bakit naging matiisin si Jehova, at sinabi rin niyang may hangganan ito

Kailangan ba ng mga lingkod ni Jehova ng pagtitiis?

Kaw 25:15; 1Co 13:​4, 7; Efe 4:​1-3; 1Ti 6:11; 2Ti 2:​24, 25; 4:2; 2Pe 1:​5, 6

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 39:​19-21; 40:​14, 15, 23; 41:​1, 9-14—Ipinagbili si Jose bilang alipin at di-makatarungang ibinilanggo sa Ehipto nang maraming taon, pero nagtiis siya at pinanatiling matibay ang pananampalataya niya

    • Heb 6:​10-15—Ginamit ni apostol Pablo ang halimbawa ni Abraham para ituro sa mga Kristiyano na mahalaga ang pagtitiis

Bakit hindi na tayo dapat magtaka kung binabale-wala ng ilan ang pangangaral natin o sinasalansang pa nga tayo?

Mat 10:22; Ju 15:​18, 19; 2Co 6:​4, 5

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Pe 2:5; Gen 7:23; Mat 24:​37-39​—Naging “mángangarál ng katuwiran” si Noe, pero hindi siya pinakinggan ng mga tao, at sila lang ng pamilya niya ang nakaligtas sa Baha

    • 2Ti 3:​10-14—Ginamit ni apostol Pablo ang halimbawa niya ng pagtitiis para patibayin si Timoteo na magtiis din

Bakit inaasahan na natin na sasalansangin tayo kahit ng mga kapamilya natin?

Mat 10:​22, 36-38; Luc 21:​16-19

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 4:​3-11; 1Ju 3:​11, 12—Dahil masama si Cain, pinatay niya ang tapat niyang kapatid na si Abel

    • Gen 37:​5-8, 18-28—Nang ikuwento ni Jose sa mga kapatid niya ang isang panaginip mula kay Jehova, itinapon nila siya sa balon at ipinagbili bilang alipin

Kapag pinag-uusig tayo, bakit hindi tayo dapat matakot mamatay?

Mat 10:28; 2Ti 4:​6, 7

Tingnan din ang Apo 2:10

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Dan 3:​1-6, 13-18—Mas gugustuhin pa nina Sadrac, Mesac, at Abednego na mamatay kaysa yumukod sa idolo

    • Gaw 5:​27-29, 33, 40-42—Nagtiis ang mga apostol at patuloy pa ring nangaral kahit pinagbantaan silang papatayin

Kapag dinisiplina tayo, ano ang makakatulong sa atin na manatiling tapat kay Jehova?

Kaw 3:​11, 12; Heb 12:​5-7

Bakit posibleng mahirapan tayong magtiis at manatiling tapat kapag huminto sa paglilingkod ang iba?

Jer 1:​16-19; Hab 1:​2-4

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Aw 73:​2-24—Nang makita ng salmista na walang kahirap-hirap ang buhay ng masasama, naisip niya kung may halaga pa ba ang tapat na paglilingkod niya kay Jehova

    • Ju 6:​60-62, 66-68—Marami ang tumigil sa pagsunod kay Jesus, pero determinado si apostol Pedro na manatiling tapat

Ano ang tutulong sa atin na magtiis at manatiling tapat?

Manatiling malapít kay Jehova

Pag-aralan ang Salita ng Diyos at bulay-bulayin ito

Gawing regular ang pananalangin kay Jehova nang mula sa puso

Ro 12:12; Col 4:2; 1Pe 4:7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Dan 6:​4-11—Patuloy na nanalangin si propeta Daniel kahit na manganib ang buhay niya

    • Mat 26:​36-46; Heb 5:7—Noong gabi bago siya mamatay, marubdob na nanalangin si Jesus at pinasigla niya ang iba na ganoon din ang gawin

Regular na magtipon kasama ng mga kapatid para sumamba

Laging isaisip ang mga pangako ni Jehova sa hinaharap

Patibayin ang pag-ibig kay Jehova, sa mga kapatid, at sa katuwiran

Patibayin ang ating pananampalataya

Magkaroon ng tamang pananaw kapag nagdurusa

Ano ang mga pakinabang kung magtitiis tayo at mananatiling tapat?

Maluluwalhati natin ang Diyos na Jehova

Kaw 27:11; Ju 15:​7, 8; 1Pe 1:​6, 7

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Job 1:​6-12; 2:​3-5—Inakusahan ni Satanas si Jehova na pinoprotektahan Niya ang mga tao para sambahin Siya. Kinailangang magtiis ni Job para mapatunayang mali si Satanas

    • Ro 5:19; 1Pe 1:​20, 21—Dahil nagtiis at nanatiling tapat si Jesus hanggang kamatayan, nasagot niya ang napakahalagang tanong na ito: Makakapanatili bang tapat ang isang perpektong tao sa harap ng napakahirap na mga pagsubok, na hindi nagawa ni Adan?

Mapapatibay natin ang iba na magtiis

Magiging mabunga ang ministeryo natin

Mapapasaya natin si Jehova at pagpapalain niya tayo