Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagpapatawad

Pagpapatawad

Gusto ba talagang magpatawad ni Jehova?

Aw 86:5; Dan 9:9; Mik 7:18

Tingnan din ang 2Pe 3:9

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Aw 78:​40, 41; 106:​36-46—Kahit maraming beses na sinaktan ng mga Israelita si Jehova, paulit-ulit pa rin niya silang pinatawad

    • Luc 15:​11-32—Para ilarawan ang pagpapatawad ni Jehova, gumamit si Jesus ng ilustrasyon tungkol sa isang maawaing ama na pinatawad ang nagsisisi niyang anak

Ano ang ginawa ni Jehova para mapatawad ang mga kasalanan natin?

Ju 1:29; Efe 1:7; 1Ju 2:​1, 2

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Heb 9:​22-28—Ipinaliwanag ni apostol Pablo na naging posible lang na mapatawad ang mga kasalanan natin dahil sa dugo ni Kristo

    • Apo 7:​9, 10, 14, 15—Nakita ni apostol Juan sa isang pangitain ang “malaking pulutong” na may malinis na katayuan sa harap ng Diyos dahil sa dugo ni Kristo

Kung gusto nating patawarin tayo ni Jehova, ano ang dapat nating gawin kapag may nagkasala sa atin?

Mat 6:​14, 15; Mar 11:25; Luc 17:​3, 4; San 2:13

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Job 42:​7-10—Bago alisin ni Jehova ang kapighatian ni Job at ibalik ang kalusugan at kasaganaan niya, sinabi Niya kay Job na ipanalangin ang tatlong kasama niyang nagsabi ng di-totoo

    • Mat 18:​21-35—Malinaw na inilarawan ni Jesus kung gaano kahalagang patawarin natin ang iba kung gusto nating mapatawad din

Gaano kahalaga ang pag-amin sa mga kasalanan natin at ang tunay na pagsisisi?

Gaw 3:19; 26:20; 1Ju 1:​8-10

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Aw 32:​1-5; 51:​1, 2, 16, 17—Hirap na hirap ang kalooban ni Haring David dahil sa malulubha niyang kasalanan, at talagang nagsisi siya

    • San 5:​14-16—Sinabi ni Santiago na kung nakagawa tayo ng malubhang kasalanan, dapat tayong lumapit sa mga elder

Anong mga pagbabago ang dapat nating gawin kung gusto nating mapatawad ni Jehova?

Kaw 28:13; Isa 55:7; Efe 4:28

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 21:​27-29; 2Cr 18:​18-22, 33, 34; 19:​1, 2—Nang marinig ni Haring Ahab na paparusahan siya, nagpakumbaba siya kaya pinagpakitaan siya ni Jehova ng awa; pero dahil hindi siya tunay na nagsisisi, hindi siya pinatawad ni Jehova at pinatay siya

    • 2Cr 33:​1-16—Napakasama ni Haring Manases, pero pinatawad siya ni Jehova noong magsisi siya. Ipinakita ni Manases na nagbago na siya nang alisin niya ang idolatriya at itaguyod ang dalisay na pagsamba

Lubusan bang pinapatawad ni Jehova ang mga tunay na nagsisisi?

Aw 103:​10-14; Isa 1:18; 38:17; Jer 31:34; Mik 7:19

  • Halimbawa sa Bibliya:

Paano eksaktong natularan ni Jesus ang pagiging handang magpatawad ni Jehova?

Aw 86:5; Luc 23:​33, 34

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 26:​36, 40, 41—Nakatulog ang pinakamalalapit na tagasunod ni Jesus noong panahong kailangang-kailangan niya sila; pero inunawa ni Jesus na talagang pagod na pagod lang sila

    • Mat 26:​69-75; Luc 24:​33, 34; Gaw 2:​37-41—Tatlong beses na ikinaila ni Pedro si Jesus, pero pinatawad siya ni Jesus nang magsisi siya; nang buhaying muli si Jesus, nagpakita siya kay Pedro at binigyan niya ito ng espesyal na mga pribilehiyo sa kongregasyon

Paano natin nalaman na may hangganan ang pagpapatawad ni Jehova?

Mat 12:31; Heb 10:​26, 27; 1Ju 5:​16, 17

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 23:​29-33—Sinabi ni Jesus sa mga mapagkunwaring eskriba at Pariseo na paparusahan sila sa Gehenna, o permanente silang pupuksain

    • Ju 17:12; Mar 14:21—Tinawag ni Jesus si Hudas Iscariote na “anak ng pagkapuksa” at sinabing mas mabuti pa para sa traidor na ito kung hindi siya ipinanganak

Ano ang makakatulong sa atin para mapatawad ang iba?