Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kabutihan

Kabutihan

Paano natin nalaman na mabuti si Jehova?

Aw 25:8; 31:19; 3Ju 11

Tingnan din ang Jer 31:​12, 13; Zac 9:​16, 17

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Exo 33:​17-20; 34:​5-7—Sa isang pangitain, ipinakita ni Jehova sa propetang si Moises ang kabutihan Niya; sinabi rin ni Jehova ang iba pa Niyang magagandang katangian

    • Mar 10:​17, 18—Sinabi ni Jesus na galing kay Jehova ang lahat ng mabubuting bagay at na Siya lang ang makakapagsabi kung ano ang mabuti

Bakit dapat tayong magpakita ng kabutihan?

Kaw 12:2; Gal 6:10; 1Te 5:15

Tingnan din ang Ro 15:​2, 14; Efe 4:28

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Ro 5:7—Ipinaliwanag ni apostol Pablo na mas mahalagang maging mabuti kaysa maging matuwid, na isa ring mahalagang katangian