Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagdadalamhati

Pagdadalamhati

Paano ipinapakita sa Bibliya na natural lang na magdalamhati kapag namatayan?

Ano ang nagpapakitang gustong-gusto ni Jehova na patibayin ang mga nagdadalamhati?

Kung alam natin ang kalagayan ng mga patay, paano iyon makakatulong sa atin?

Ec 9:​5, 10; 1Te 4:13

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 20:​37, 38—Ipinaliwanag ni Jesus na siguradong-sigurado ang pagkabuhay-muli kaya parang buháy pa rin para sa Diyos ang mga patay

    • Ju 11:​5, 6, 11-14—Nang mamatay ang kaibigan niyang si Lazaro, sinabi ni Jesus na parang natutulog lang ito

    • Heb 2:​14, 15—Ipinaliwanag ni apostol Pablo kung bakit hindi tayo dapat matakot sa kamatayan

Bakit mas matimbang ang pangalan ng isang tao sa araw ng kamatayan niya kaysa noong ipinanganak siya?

Paano inilalarawan ng Bibliya ang kamatayan, at ano ang gagawin ng Diyos sa kamatayan?

Bakit sigurado tayong magkakaroon ng pagkabuhay-muli?

Isa 26:19; Ju 5:​28, 29; Gaw 24:15

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • May siyam na binuhay-muli sa Bibliya, at walo sa kanila ang binuhay-muli sa lupa. Kung namatayan ka, mapapatibay ka ng mga ulat na ito at magkakaroon ka ng pag-asa sa hinaharap

      • 1Ha 17:​17-24—Binuhay-muli ni propeta Elias ang anak ng isang biyuda sa Zarepat, isang bayan sa Sidon

      • 2Ha 4:​32-37—Binuhay-muli ni propeta Eliseo ang isang batang lalaki sa bayan ng Sunem at ibinigay siya sa mga magulang niya

      • 2Ha 13:​20, 21—Nabuhay-muli ang isang lalaking kamamatay lang nang mapadikit ang bangkay nito sa mga buto ni propeta Eliseo

      • Luc 7:​11-15—Sa lunsod ng Nain, nakita ni Jesus ang isang prusisyon ng patay at binuhay-muli ang anak ng biyuda

      • Luc 8:​41, 42, 49-56—Binuhay-muli ni Jesus ang anak na babae ni Jairo, isang opisyal ng sinagoga

      • Ju 11:​38-44—Binuhay-muli ni Jesus ang minamahal niyang kaibigan na si Lazaro, kaya nakasama ulit nina Marta at Maria ang kapatid nila

      • Gaw 9:​36-42—Binuhay-muli ni apostol Pedro si Dorcas, isang minamahal na kapatid na kilala sa pagiging mabait at bukas-palad

      • Gaw 20:​7-12—Binuhay-muli ni apostol Pablo ang kabataang si Eutico, na nahulog sa bintana at namatay

    • Binuhay-muli si Jesu-Kristo bilang imortal na espiritu, na naging garantiyang matutupad ang lahat ng pangako ng Diyos

    • Si Jesus ang unang binuhay-muli tungo sa langit at binigyan ng imortalidad, pero hindi siya ang huli; ganiyan din ang pagkabuhay-muli ng 144,000 pinahirang tagasunod niya

Paano natin matutulungan ang mga nagdadalamhati sa pagkamatay ng mahal nila sa buhay?