Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Katapatan sa Diyos

Katapatan sa Diyos

Ano ang katapatan sa Diyos?

Aw 18:​23-25; 26:​1, 2; 101:​2-7; 119:​1-3, 80

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Lev 22:​17-22—Sinabi ni Jehova na kapag naghahandog ng hayop, dapat na ito ay “malusog,” o buo, at walang depekto. Ang salitang “malusog” ay nauugnay sa salitang Hebreo na isinaling “katapatan”; ibig sabihin, para maging tapat, kailangang buo ang debosyon natin kay Jehova

    • Job 1:​1, 4, 5, 8; 2:3—Natutuhan natin sa buhay ni Job na para maging tapat ang isang tao, dapat siyang magpakita ng matinding paggalang kay Jehova, sumamba sa Kaniya nang buong puso, at umiwas sa mga ayaw Niya

Bakit kailangan nating maging tapat sa Diyos?

Ano ang magpapakilos sa atin na manatiling tapat sa Diyos?

Paano tayo magiging tapat sa Diyos, at paano natin ito mapapanatili?

Jos 24:​14, 15; Aw 101:​2-4

Tingnan din ang Deu 5:29; Isa 48:​17, 18

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Job 31:​1-11, 16-33—Sinikap ni Job na maging tapat sa buong buhay niya: Umiwas siya sa imoralidad, naging mabait at magalang sa pakikitungo sa iba, si Jehova lang ang sinamba niya, at hindi siya naging materyalistiko

    • Dan 1:​6-21—Napapaligiran si Daniel at ang tatlong kaibigan niya ng mga hindi naglilingkod kay Jehova, pero naging tapat pa rin sila kahit pagdating sa pagkain

Kapag nakagawa ng malulubhang kasalanan ang isang tao, puwede pa ba siyang maging tapat ulit?

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 9:​2-5; Aw 78:​70-72—Dahil pinagsisihan ni Haring David ang mga kasalanan niya, pinatawad siya ni Jehova at itinuring na tapat

    • Isa 1:​11-18—Sinabi ni Jehova na napakaraming kasalanan ng bayan niya, pero ipinangako niyang puwede pa rin silang maging malinis sa harap niya kung magsisisi sila at magbabago