Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kahinahunan

Kahinahunan

Paano natin nalaman na mahinahon si Jehova?

Mat 11:​28, 29; Ju 14:9

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Ha 19:12—Noong nag-aalala si propeta Elias, kinausap siya ni Jehova sa “kalmado at mahinang tinig”

    • Jon 3:10–4:11—Galit na nakipag-usap si Jonas kay Jehova, pero mahinahon siyang tinuruan ni Jehova tungkol sa awa

Paano natin maipapakita ang kahinahunan?

Kaw 15:1; Efe 4:​1-3; Tit 3:2; San 3:​13, 17; 1Pe 3:15

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Bil 11:​26-29—Sinabi ni Josue sa propetang si Moises na pigilan ang mga lalaking gumagawing parang mga propeta, pero mahinahong sumagot si Moises

    • Huk 8:​1-3—Naging mahinahon si Hukom Gideon kaya naging kalmado ang isang mainit na sitwasyon