Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Magulang

Magulang

Ano ang ilang dahilan kung bakit pinasimulan ni Jehova ang pag-aasawa?

Ano ang dapat na maging tingin ng mga magulang sa mga anak nila?

Aw 127:​3-5; 128:3

Tingnan din ang “Bata; Kabataan

Ano ang pananagutan ng mga magulang sa kanilang mga anak?

Deu 6:​6, 7; 11:​18, 19; Kaw 22:6; 2Co 12:14; 1Ti 5:8

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 1:​1-4—Isinasama ni Elkana ang pamilya niya sa mga kapistahan sa Shilo para matiyak niyang nandoon lahat ang anak niya sa pagsamba

    • Luc 2:​39, 41—Nakaugalian na nina Jose at Maria na maglakbay kasama ng mga anak nila mula Nazaret papuntang Jerusalem para sa kapistahan ng Paskuwa

Bakit magandang sanayin ang mga anak na sundin si Jehova?

Kaw 1:​8, 9; 22:6

Tingnan din ang 2Ti 3:​14, 15

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 2:​18-21, 26; 3:19—Ibinigay si Samuel ng mga magulang niya para maglingkod sa tabernakulo, pero regular nila siyang dinadalaw at dinadalhan ng mga pangangailangan niya; lumaki siyang tapat na naglilingkod kay Jehova

    • Luc 2:​51, 52—Sinunod ni Jesus ang mga magulang niya kahit hindi sila perpekto

Saan makakakuha ang mga magulang ng patnubay sa pagpapalaki ng mga anak nila?

Deu 6:​4-9; Efe 6:4; 2Ti 3:​14-17

Tingnan din ang Aw 127:1; Kaw 16:3

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Huk 13:​2-8—Nang malaman ni Manoa na makahimala siyang magkakaroon ng anak, humingi siya ng patnubay sa pagpapalaki rito

    • Aw 78:​3-8—Gusto ni Jehova na ituro ng mga magulang sa mga anak nila ang natututuhan nila sa Kasulatan

Kahit lumaki ang isang bata sa pamilyang nagmamahal sa Diyos, bakit posible pa ring piliin niyang hindi maglingkod kay Jehova?

Eze 18:​1-13, 20

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gen 6:​1-5; Jud 6—Napakahabang panahon nang nakasama ng mga anghel si Jehova sa langit, pero marami pa rin sa kanila ang nagrebelde

    • 1Sa 8:​1-3—Tapat at matuwid si propeta Samuel, pero ang mga anak niya ay naging madaya at tiwali

Kailan dapat simulan ng mga magulang ang pagtuturo sa mga anak nila tungkol sa pagsunod sa Diyos?

2Ti 3:15

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Deu 29:​10-12, 29; 31:12; Ezr 10:1​—Kapag nagtitipon ang mga Israelita para matuto tungkol kay Jehova, isinasama nila ang kanilang mga anak

    • Luc 2:​41-52—Nakaugalian na nina Jose at Maria na isama ang mga anak nila, kasama na si Jesus, sa templo sa Jerusalem para sa kapistahan ng Paskuwa

Anong mga halimbawa ang dapat tularan ng mga magulang para maprotektahan ang mga anak nila?

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Exo 19:4; Deu 32:​11, 12—Itinulad ni Jehova ang sarili niya sa isang agila na bumubuhat, pumoprotekta, at nag-aalaga sa mga inakáy nito

    • Isa 49:15—Nangako si Jehova na aalagaan niya at poprotektahan ang mga lingkod niya nang higit pa sa ginagawa ng isang nagpapasusong ina sa kaniyang anak

    • Mat 2:​1-16—Inakay ni Satanas ang mga paganong astrologo sa masamang haring si Herodes dahil gusto niyang mapatay ang sanggol na si Jesus; pero sinabihan ni Jehova si Jose na dalhin ang pamilya nito sa Ehipto para maprotektahan ang anak Niya

    • Mat 23:37—Para ilarawan kung gaano niya kagustong tulungan ang bayan niya, ginamit ni Jesus ang isang inahing manok; tinitipon ng inahin ang mga sisiw niya sa ilalim ng kaniyang pakpak para protektahan sila

Bakit dapat kausapin ng mga magulang ang mga anak nila tungkol sa sex?

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Lev 15:​2, 3, 16, 18, 19; Deu 31:​10-13​—Tuwirang binabanggit sa Kautusang Mosaiko ang tungkol sa seksuwal na mga bagay, at iniutos ni Jehova na dapat nandoon din ang mga bata kapag binabasa ito nang malakas

    • Aw 139:​13-16—Pinuri ni David si Jehova dahil sa kamangha-manghang pagkakadisenyo sa katawan ng tao, pati na ang kakayahan nito sa pag-aanak

    • Kaw 2:​10-15—Mapoprotektahan tayo ng kaalaman at karunungan ni Jehova mula sa masasama at mapanlinlang

Bakit dapat na may kasamang pag-ibig ang pagdidisiplina?

Kaw 13:24; 29:17; Jer 30:11; Efe 6:4

Tingnan din ang Aw 25:8; 145:9; Col 3:21

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Aw 32:​1-5—Mabigat ang disiplinang tinanggap ni Haring David, pero gumaan ang loob niya nang malaman niyang pinapatawad ni Jehova ang mga tunay na nagsisisi

    • Jon 4:​1-11—Galit at walang galang na nakipag-usap si propeta Jonas kay Jehova, pero matiyaga siyang tinuruan ni Jehova tungkol sa awa

Bakit natin nasabing pagpapakita ng pag-ibig ang disiplina?