Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagsisisi

Pagsisisi

Bakit kailangan ng lahat ng tao na humingi ng tawad sa Diyos na Jehova at magsisi?

Ro 3:23; 5:12; 1Ju 1:8

Tingnan din ang Gaw 26:20

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 18:​9-14—Gumamit si Jesus ng ilustrasyon para ipakitang kailangan nating ipagtapat ang mga kasalanan natin at manalangin para sa tulong ng Diyos

    • Ro 7:​15-25—May matibay na pananampalataya si apostol Pablo, pero kailangan pa rin niyang paglabanan ang pagiging makasalanan niya

Ano ang nararamdaman ni Jehova kapag nagsisisi ang isang tao?

Eze 33:11; Ro 2:4; 2Pe 3:9

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Luc 15:​1-10—Gumamit si Jesus ng ilustrasyon para ipakitang masaya si Jehova at ang mga anghel kapag nagsisisi ang isang nagkasala

    • Luc 19:​1-10—Pinatawad ni Jesus ang maniningil ng buwis na si Zaqueo nang pagsisihan nito ang pangingikil niya ng pera

Paano natin maipapakita na tunay ang pagsisisi natin?

Paano makakatulong ang tumpak na kaalaman sa isang tunay na nagsisisi?

Ro 12:2; Col 3:​9, 10; 2Ti 2:25

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Gaw 17:​29-31—Ipinaliwanag ni apostol Pablo sa mga taga-Atenas na ang idolatriya ay bunga ng kawalang-alam; sinabi niya na dapat silang magsisi

    • 1Ti 1:​12-15—Dahil wala pang tumpak na kaalaman noon si apostol Pablo tungkol kay Jesu-Kristo, nakagawa siya ng malulubhang kasalanan

Gaano kahalaga ang pagsisisi?

Bakit tayo makakapagtiwala na kung talagang nagsisisi tayo, papatawarin tayo ni Jehova kahit maraming beses tayong magkasala?

Paano papakitunguhan ni Jehova ang mga nagtatapat ng mga kasalanan nila at nagbabago?

Aw 32:5; Kaw 28:13; 1Ju 1:9

Tingnan din ang “Awa

Paano natin nalaman na ang pagsisisi ay hindi lang basta paghingi ng tawad o pagkaramdam ng lungkot?

2Cr 7:14; Kaw 28:13; Eze 18:​30, 31; 33:​14-16; Mat 3:8; Gaw 3:19; 26:20

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 2Cr 33:​1-6, 10-16—Mahabang panahong naging masama si Haring Manases, pero ipinakita niyang nagsisisi talaga siya dahil nagpakumbaba siya, patuloy na nanalangin, at nagbago

    • Aw 32:​1-6; 51:​1-4, 17—Ipinakita ni Haring David na talagang nagsisisi siya—nalungkot siya na nagkasala siya kay Jehova, ipinagtapat niya ang mga kasalanan niya, at humingi ng tawad sa panalangin

Kapag nagsisisi ang mga nagkasala sa atin, bakit dapat natin silang patawarin?