Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pag-ayos sa Di-pagkakaunawaan

Pag-ayos sa Di-pagkakaunawaan

Kapag may nakasakit sa atin, bakit dapat nating iwasang magalit o maghiganti?

Kaw 20:22; 24:29; Ro 12:​17, 18; San 1:​19, 20; 1Pe 3:​8, 9

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • 1Sa 25:​9-13, 23-35—Ininsulto ni Nabal si David at ang mga tauhan niya at tumangging tulungan sila, kaya nagalit si David at nagpasiyang patayin ito at ang mga lalaki sa sambahayan nito; napigilan si David na maghiganti dahil sa matalinong payo ni Abigail

    • Kaw 24:​17-20—Sinabi ni Haring Solomon sa bayan ng Diyos na ayaw ni Jehova na matuwa sila kapag nagdurusa ang kaaway nila; nagtitiwala tayo na si Jehova ang bahalang humatol sa masasama

Kung may nakasamaan ng loob ang isang Kristiyano, tama bang umiwas siya o maghinanakit?

Lev 19:​17, 18; 1Co 13:​4, 5; Efe 4:26

  • Halimbawa sa Bibliya:

    • Mat 5:​23, 24—Ipinaliwanag ni Jesus na dapat nating gawin ang lahat para makipagkasundo sa isang kapatid na may sama ng loob sa atin

Ano ang pinakamagandang gawin kapag nasaktan tayo?

Bakit dapat nating patawarin kahit ang mga paulit-ulit na nagkakasala sa atin kung talagang nagsisisi sila?

Kung seryoso ang nagawa sa atin ng isang kapatid at hindi natin iyon mapalampas—halimbawa, siniraan tayo o dinaya—sino dapat ang makipag-usap sa kaniya, at bakit?

Mat 18:15

Tingnan din ang San 5:20

Kapag kinausap natin ang kapatid na nanira o nandaya sa atin pero ayaw pa rin niyang magsisi, ano ang dapat nating gawin?