Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Para sa mga Kabataan

Galit ng Isang Kapatid

Galit ng Isang Kapatid

Tagubilin: Gawin ito sa tahimik na lugar. Habang binabasa mo ang mga teksto, isipin mong naroroon ka. Ilarawan sa iyong isip ang eksena. Isipin mong naririnig mo sila. Damhin mo ang nadarama ng pangunahing mga tauhan. Isipin mong aktuwal na nangyayari ang ulat na ito.

PAG-ISIPAN ANG EKSENA.—BASAHIN ANG GENESIS 4:1-12.

Gamit ang iyong imahinasyon, paano mo ilalarawan ang hitsura at personalidad ni Cain? Paano mo naman ilalarawan si Abel?

․․․․․

Anong “mga gawa ng laman” ang makikita kay Cain, at paano natin ito nalaman? (Galacia 5:19-21)

․․․․․

PAG-ARALANG MABUTI.—BASAHING MULI ANG TALATA 4-7.

Ang mga haing hayop lamang ba ang tinanggap o tinanggihan ni Jehova, o may iba pa? (Kawikaan 21:2)

․․․․․

Kailan puwedeng magalit, pero bakit maling-mali ang ‘pag-iinit sa galit’ ni Cain?

․․․․․

Ano sana ang maaaring ginawa ni Cain para ‘nadaig’ o napigil niya ang kaniyang galit?

․․․․․

GAMITIN ANG IYONG NATUTUHAN. ISULAT ANG IYONG NATUTUHAN TUNGKOL . . .

Sa galit.

․․․․․

Sa kung paano mo ‘madaraig’ o mapipigil ang tendensiyang gumawa ng masama.

․․․․․

ANONG BAHAGI NG KUWENTONG ITO ANG PINAKAGUSTO MO, AT BAKIT?

․․․․․