Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Handa Ka Na ba sa Pinakamahalagang Araw ng Taon?

Handa Ka Na ba sa Pinakamahalagang Araw ng Taon?

Handa Ka Na ba sa Pinakamahalagang Araw ng Taon?

MGA ilang oras bago mamatay si Jesus, pinasimulan niya ang isang pantanging paraan ng pag-alaala sa kaniyang kamatayan. Nakilala ito bilang “ang hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20) Upang ipakita ang kahalagahan ng okasyong ito, iniutos ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Gusto mo bang sundin si Jesus? Kung gayon, ituturing mong pinakamahalagang araw ng taon ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesus.

Kailan dapat alalahanin ang pangyayaring ito? At paano ka makatitiyak na talagang handa ka na para maunawaan ang kahulugan ng mahalagang okasyong ito? Ito ang mga tanong na dapat pag-isipang mabuti ng bawat Kristiyano.

Gaano Kadalas?

Karaniwan nang taun-taon nating inaalaala ang mahahalagang pangyayari. Halimbawa, ang trahedya noong Setyembre 11, 2001, nang salakayin ang World Trade Center, ay hindi nawawala sa isip ng mga taga-New York City na namatayan ng mga mahal sa buhay roon. Pero sa tuwing sasapit ang petsang ito, nagiging makahulugan ito para sa kanila.

Totoo rin ito noong panahon ng Bibliya. (Esther 9:21, 27) Iniutos ni Jehova sa mga Israelita na ipagdiwang taun-taon ang makahimalang paglaya nila mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Tinutukoy ito ng Bibliya bilang Paskuwa, at ipinagdiriwang ito ng mga Israelita minsan sa isang taon sa mismong petsa na sila ay iniligtas.​—Exodo 12:24-27; 13:10.

Katatapos pa lamang ipagdiwang ni Jesus ang Paskuwa kasama ang kaniyang mga apostol nang pasimulan niya ang pantanging hapunan na magiging huwaran ng pag-alaala sa kaniyang kamatayan. (Lucas 22:7-20) Ang Paskuwa ay ipinagdiriwang taun-taon. Kaya masasabing ang bagong okasyong ito na humalili sa Paskuwa ay dapat ding idaos minsan sa isang taon. Pero kailan?

Kailan?

Para masagot iyan, kailangan nating maunawaan ang dalawang bagay. Una, noong panahon ng Bibliya ang isang araw ay nagsisimula pagkalubog ng araw, at nagtatapos kinabukasan pagkalubog ng araw. Kaya ang isang araw ay mula sa gabi hanggang sa gabi.​—Levitico 23:32.

Ikalawa, iba ang kalendaryong ginagamit noong panahon ng Bibliya. Sa halip na mga buwang gaya ng Marso at Abril, binabanggit ng Bibliya ang mga buwang gaya ng Adar at Nisan. (Esther 3:7) Sa kalendaryo ng mga Judio, ang bawat buwan ay nagsisimula sa bagong buwan (new moon) hanggang sa susunod na bagong buwan. Ipinagdiriwang nila ang Paskuwa sa ika-14 na araw ng unang buwan sa kanilang kalendaryo, ang Nisan. (Levitico 23:5; Bilang 28:16) Nisan 14 rin nang ibayubay ng mga Romano ang ating Panginoong Jesu-Kristo. Namatay siya 1,545 taon pagkatapos ipagdiwang ang unang hapunan ng Paskuwa. Espesyal na araw nga ang Nisan 14!

Kailan papatak ang Nisan 14 sa ating kalendaryo ngayon? Tutulungan tayo ng simpleng pagkalkula. Ang Nisan 1 ay nagsisimula kapag nakikita na sa paglubog ng araw sa Jerusalem ang bagong buwan na pinakamalapit sa spring equinox (ang simula ng tagsibol sa Hilagang Hemispero). Kung bibilang tayo ng 14 na araw mula roon, darating tayo sa Nisan 14. Sa petsang ito, karaniwan nang kabilugan ng buwan. Batay sa kalkulasyong ito ng Bibliya, ang Nisan 14 sa taóng ito ay magsisimula pagkalubog ng araw sa Abril 17, 2011, araw ng Linggo. *

Kaya sa taóng ito, ang mga Saksi ni Jehova ay naghahandang magtipun-tipon kasama ang mga gustong gumunita sa kamatayan ni Jesus. Malugod nila kayong inaanyayahan na makisama sa kanila. Pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa oras at lugar ng pagtitipong ito. Gaganapin nila ito, hindi sa umaga o sa hapon, kundi sa gabi pagkalubog ng araw. Bakit? Sapagkat ayon sa Bibliya, ito ay isang “hapunan.” (1 Corinto 11:25) Sa gabi ng Linggo, Abril 17, 2011, ang anibersaryo ng pagpapasinaya ni Jesus sa pantanging okasyong ito, 1,978 taon na ang nakalipas. Ito rin ang pasimula ng Nisan 14, kung kailan namatay si Jesus. Kaya may iba pa bang araw para alalahanin ang kaniyang kamatayan?

Kung Paano Maghahanda

Ano ang magagawa mo ngayon upang paghandaan ang taunang okasyong ito? Ang isang paraan ay bulay-bulayin ang ginawa ni Jesus para sa atin. Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? * ay nakatulong sa milyun-milyon para higit nilang maunawaan ang kahulugan ng kamatayan ni Jesus.​—Mateo 20:28.

Ang isa pang paraan para ihanda ang ating puso sa pantanging okasyong ito ay basahin ang mga huling pangyayari sa buhay ni Jesus dito sa lupa. Sa sumusunod na mga pahina, makikita mo ang isang tsart. Makikita sa unang kolum ang mga petsa sa ating kalendaryo at sa kalendaryong ginamit noong panahon ng Bibliya. Ang ikalawang kolum naman ay nagbibigay ng maikling paglalahad ng mga pangyayari. Makikita naman sa ikatlong kolum kung saan natin ito mababasa sa mga Ebanghelyo at sa aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. *

Bakit hindi maglaan ng panahon para basahin ang ilan sa mga teksto sa Kasulatan sa bawat araw hanggang sa Hapunan ng Panginoon? Tutulong ito sa iyo na maghanda para sa pinakamahalagang araw ng taon.

[Mga talababa]

^ par. 11 Ang petsang ito ay maaaring hindi tumapat sa Paskuwa ng mga Judio ngayon. Bakit? Dahil ipinagdiriwang ng karamihan sa mga Judio ang Paskuwa tuwing Nisan 15. Naniniwala kasi sila na iyon ang petsang ipinag-utos sa Exodo 12:6. (Tingnan Ang Bantayan, isyu ng Pebrero 15, 1990, pahina 14.) Ngunit ipinagdiwang ito ni Jesus noong Nisan 14 ayon sa sinasabi sa Kautusang Mosaiko. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagkalkula ng petsang ito, tingnan ang The Watchtower, isyu ng Hunyo 15, 1977, pahina 383-384.

^ par. 14 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Tingnan ang pahina 47-56, 206-208. Makikita rin ninyo ang publikasyong ito sa Web site na www.pr418.com.

^ par. 15 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

[Blurb sa pahina 22]

Alalahanin ang kamatayan ni Jesus Linggo, Abril 17, 2011

[Chart/Mga larawan sa pahina 23, 24]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

ANG HULING LINGGO

2011 Martes, Abril 12

Sabbath

Juan 11:55–12:1

gt 101, par. 2-4 *

NISAN 9 (pagkalubog ng araw)

Noong panahon ng Bibliya, ang isang araw ay nagsisimula pagkalubog ng araw, at nagtatapos kinabukasan pagkalubog ng araw

Hapunan sa bahay ni Simon na ketongin

Pinahiran ni Maria ng mabangong langis

Dinalaw ng mga Judio sina Jesus at Lazaro

Mateo 26:6-13

Marcos 14:3-9

Juan 12:2-11

gt 101, par. 5-9

2011 Miyerkules, Abril 13

▪ Matagumpay na pagpasok sa Jerusalem

Nagturo sa templo

Mateo 21:1-11, 14-17

Marcos 11:1-11

Lucas 19:29-44

Juan 12:12-19

gt 102

NISAN 10 (pagkalubog ng araw)

Nagpalipas ng gabi sa Betania

2011 Huwebes, Abril 14

▪ Maagang naglakbay papuntang Jerusalem

▪ Nilinis ang templo

▪ Nagsalita si Jehova mula sa langit

Mateo 21:12, 13, 18, 19

Marcos 11:12-19

Lucas 19:45-48

Juan 12:20-50

gt 103, 104

NISAN 11 (pagkalubog ng araw)

2011 Biyernes, Abril 15

▪ Nagturo sa templo gamit ang ilang ilustrasyon

▪ Kinondena ang mga Pariseo

▪ Binigyang-pansin ang abuloy ng babaing balo

▪ Inihula ang pagbagsak ng Jerusalem

▪ Ibinigay ang tanda ng pagkanaririto niya sa hinaharap

Mateo 21:19–25:46

Marcos 11:20–13:37

Lucas 20:1–21:38

gt 105 hanggang 112, par. 1

NISAN 12 (pagkalubog ng araw)

2011 Sabado, Abril 16

▪ Namahinga kasama ang mga alagad sa Betania

▪ Pinlano ni Hudas ang pagkakanulo

Mateo 26:1-5, 14-16

Marcos 14:1, 2, 10, 11

Lucas 22:1-6

gt 112, par. 2-4

NISAN 13 (pagkalubog ng araw)

2011 Linggo, Abril 17

▪ Naghanda sina Pedro at Juan para sa Paskuwa

▪ Sumunod si Jesus at ang sampung iba pang apostol nang dapit-hapon

Mateo 26:17-19

Marcos 14:12-16

Lucas 22:7-13

gt 112, par. 5 hanggang 113, par. 1

NISAN 14 (pagkalubog ng araw)

▪ Ipinagdiwang ang Paskuwa

▪ Hinugasan ang paa ng mga apostol

▪ Pinaalis si Hudas

▪ Pinasinayaan ang Memoryal ng kaniyang kamatayan

Mateo 26:20-35

Marcos 14:17-31

Lucas 22:14-38

Juan 13:1–17:26

gt 113, par. 2 hanggang katapusan ng 116

hatinggabi

2011 Lunes, Abril 18

▪ Ipinagkanulo at inaresto sa hardin ng Getsemani

▪ Tumakas ang mga apostol

▪ Nilitis ng mga punong saserdote at Sanhedrin

▪ Ikinaila ni Pedro si Jesus

Mateo 26:36-75

Marcos 14:32-72

Lucas 22:39-62

Juan 18:1-27

gt 117 hanggang katapusan ng 120

▪ Muling humarap sa Sanedrin

▪ Dinala kay Pilato, saka kay Herodes, at balik kay Pilato

▪ Hinatulan ng kamatayan at ibinayubay

▪ Namatay ng mga alas tres ng hapon

▪ Ibinaba at inilibing

Mateo 27:1-61

Marcos 15:1-47

Lucas 22:63–23:56

Juan 18:28-19:42

gt 121 hanggang 127, par. 7

NISAN 15 (pagkalubog ng araw)

▪ Sabbath

2011 Martes, Abril 19

▪ Pumayag si Pilato na maglagay ng mga na maglagay ng mga ni Jesus

Mateo 27:62-66

gt 127, par. 8-9

NISAN 16 (pagkalubog ng araw)

Marcos 16:1

2011 Miyerkules, Abril 20

▪ Binuhay-muli

▪ Nagpakita sa mga alagad

Mateo 28:1-15

Marcos 16:2-8

Lucas 24:1-49

Juan 20:1-25

gt 127, par. 10 hanggang 129, par. 10

[Talababa]

^ par. 29 Ang mga numerong nakalista rito ay tumutukoy sa mga kabanata sa aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman (gt). Para sa tsart na naglalaman ng detalyadong pagtukoy sa Kasulatan tungkol sa huling bahagi ng ministeryo ni Jesus, tingnan ang “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang,” pahina 290, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.