Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hula 1. Lindol

Hula 1. Lindol

Hula 1. Lindol

“Magkakaroon ng malalakas na lindol.”​—LUCAS 21:11.

● Si Winnie, halos isa’t kalahating taóng gulang, ay nasagip mula sa isang kaguhuan sa Haiti. Isang TV reporter ang nakarinig sa kaniyang mahinang pag-iyak. Nakaligtas siya sa lindol, pero nasawi ang kaniyang mga magulang.

ANO ANG IPINAKIKITA NG MGA ULAT? Nang yanigin ng lindol na may lakas na 7.0 sa Richter scale ang Haiti noong Enero 2010, mahigit 300,000 katao ang namatay. Bukod dito, 1.3 milyon ang nawalan ng tahanan sa isang iglap. Ngunit ang lindol sa Haiti ay isa lang sa di-kukulangin sa 18 malalakas na lindol na yumanig sa buong daigdig sa pagitan ng Abril 2009 at Abril 2010.

ANO ANG KARANIWANG PAGTUTOL? Hindi naman dumami ang lindol. Mas napapansin lang natin ito ngayon dahil sa modernong teknolohiya.

MAKATUWIRAN BA ANG PAGTUTOL NA IYAN? Pansinin: Hindi ang dami ng lindol sa “mga huling araw” ang idiniriin ng Bibliya. Sa halip, sinasabi nito na ‘magkakaroon ng malalakas na lindol sa iba’t ibang dako,’ na isa sa mga kapansin-pansing kaganapan sa napakahalagang yugtong ito ng kasaysayan.​—Marcos 13:8; Lucas 21:11.

ANO SA PALAGAY MO? Nakararanas nga ba tayo ng malalakas na lindol, gaya ng inihula sa Bibliya?

Isa lang ang lindol sa mga hulang natutupad na nagpapatunay na tayo’y nabubuhay na sa mga huling araw. Tingnan ang ikalawa.

[Blurb sa pahina 4]

“Para sa amin [mga geophysicist], ito ay malalakas na lindol. Ngunit para sa iba, ito ay nakapangingilabot.”​—KEN HUDNUT, U.S. GEOLOGICAL SURVEY.

[Picture Credit Line sa pahina 4]

© William Daniels/Panos Pictures