Si Jehova ay Diyos ng Pag-ibig
“Ang Diyos ay pag-ibig.”—1 JUAN 4:8, 16.
1. Ano ang nangingibabaw na katangian ng Diyos, at ano ang nadarama mo sa kaniya dahil dito?
SINASABI ng kinasihang Salita ni Jehova, ang Bibliya, na “ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Ano ang kahulugan nito? Ang pag-ibig ay hindi lang basta isa sa magagandang katangian ni Jehova. Ito ang nangingibabaw at pinakamahalagang katangian niya. Hindi lang basta taglay ni Jehova ang pag-ibig—siya ang personipikasyon nito. Laking pasasalamat natin na ang Maylalang ng uniberso at ng lahat ng nabubuhay na bagay ay isang Diyos ng pag-ibig! Lahat ng ginagawa niya ay dahil sa pag-ibig.
2. Ano ang tinitiyak sa atin ng pag-ibig ng Diyos? (Tingnan ang larawan sa simula ng artikulo.)
2 Ang Diyos ay mabait at may magiliw na pagmamahal sa kaniyang mga nilalang. Tinitiyak nito sa atin na matutupad ang lahat ng layunin niya para sa tao sa pinakamainam na paraan. Magdudulot iyon ng napakalaking kapakinabangan sa lahat ng nagpapasakop sa kaniyang pamamahala. Bilang halimbawa, dahil sa pag-ibig ni Jehova, “nagtakda siya ng isang araw kung kailan nilalayon niyang hatulan ang tinatahanang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaki na kaniyang inatasan,” si Jesu-Kristo. (Gawa 17:31) Makatitiyak tayo na matutupad ang paghatol na ito. Para sa mga taong masunurin at wastong nakaayon, nangangahulugan ito ng napakagandang kinabukasan na magpapatuloy magpakailanman.
KUNG ANO ANG IPINAKIKITA NG KASAYSAYAN
3. Ano sa tingin mo ang magiging buhay ng mga tao kung hindi sila mahal ng Diyos?
3 Ano kaya ang magiging kinabukasan ng mga tao kung hindi sila mahal ng Diyos? Tingnan na lang natin ang naging masaklap na kasaysayan ng daigdig na ito na pinamamahalaan ng tao sa ilalim ng impluwensiya ng isang diyos na walang pag-ibig at punô ng galit, si Satanas na Diyablo. (2 Cor. 4:4; 1 Juan 5:19; basahin ang Apocalipsis 12:9, 12.) Ipinakikita nito kung gaano kalunos-lunos ang magiging kinabukasan kung hindi tayo mahal ng Diyos.
4. Bakit pinahintulutan ni Jehova ang rebelyon laban sa kaniyang matuwid na pamamahala?
4 Nang magrebelde ang Diyablo sa pamamahala ni Jehova, inimpluwensiyahan din niyang magrebelde ang unang mag-asawa. Hinamon niya ang karapatan ng Diyos na mamahala bilang Soberano ng Uniberso. Sa diwa, inangkin ni Satanas na magiging mas mahusay ang pamamahala niya. (Gen. 3:1-5) Pinahintulutan ni Jehova si Satanas na subukang patunayan ang pag-aangkin nito, pero pansamantala lang. May-katalinuhang hinayaan ni Jehova na lumipas ang sapat na panahon para malinaw na makita ang kawalang-kakayahan ng pamamahala ng tao at ni Satanas. Ipinakikita ng miserableng rekord ng kasaysayan na hindi nila kayang ilaan ang mabuting pamamahala na kailangan natin.
5. Ano ang malinaw na ipinakikita ng kasaysayan ng tao?
5 Sa nakalipas na 100 taon, mahigit 100 milyong tao ang namatay sa digmaan. Palala nang palala ang kalagayan ng daigdig. Ito mismo ang inihula ng Salita ng Diyos na mangyayari sa “mga huling araw” ng kasalukuyang sistema ng mga bagay kung kailan “ang mga taong balakyot at mga impostor ay magpapatuloy mula sa masama tungo sa lalong masama.” (2 Tim. 3:1, 13) Ipinakikita ng kasaysayan na talagang totoo ang sinasabi ng Bibliya: “Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” (Jer. 10:23) Talagang hindi binigyan ni Jehova ang mga tao ng kakayahan o karapatang pamahalaan ang kanilang sarili nang hiwalay sa kaniya.
6. Ano ang pinatutunayan ng pansamantalang pagpapahintulot ng Diyos sa kasamaan?
6 Pinatutunayan din ng pansamantalang pagpapahintulot ng Diyos sa kasamaan na tanging ang pamamahala niya ang magtatagumpay. Matapos puksain ni Jehova ang kasamaan at ang mga gumagawa nito, kapag may humamon muli sa kaniyang maibiging pamamahala, hindi na niya iyon papayagan. Gagamitin ni Jehova ang naging kasaysayan ng tao bilang makatuwirang dahilan para agad na puksain ang mga rebelde, at hindi na niya sila hahayaang maghasik muli ng kasamaan.
IPINAKITA NI JEHOVA ANG KANIYANG PAG-IBIG
7, 8. Sa ano-anong paraan ipinakita ni Jehova ang kaniyang dakilang pag-ibig?
7 Ipinakita ni Jehova ang kaniyang dakilang pag-ibig sa maraming paraan. Halimbawa, pansinin ang napakalawak at napakagandang uniberso natin. Binubuo ito ng bilyon-bilyong galaksi na bawat isa ay may bilyon-bilyong bituin at planeta. Sa ating galaksing Milky Way, ang isa sa mga bituin ay ang araw. Kung wala ang araw, walang mabubuhay sa lupa. Pinatutunayan ng lahat ng nilikhang ito ni Jehova ang kaniyang pagka-Diyos at mga katangian, gaya ng kapangyarihan, karunungan, at pag-ibig. Oo, “ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mula pa sa pagkalalang ng sanlibutan, sapagkat napag-uunawa ang mga ito sa pamamagitan Roma 1:20.
ng mga bagay na ginawa, maging ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos.”—8 Sa lupa, ang lahat ng nilikha ni Jehova ay para sa kapakinabangan ng mga nilalang na dinisenyo niyang mabuhay rito. Para sa mga tao, isang magandang paraisong hardin ang ginawa niya. Binigyan din niya sila ng perpektong isip at katawan na puwedeng mabuhay magpakailanman. (Basahin ang Apocalipsis 4:11.) Bukod diyan, “nagbibigay [siya] ng pagkain sa lahat ng laman: sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.”—Awit 136:25.
9. Bukod sa pag-ibig, ano pa ang nadarama ni Jehova, at bakit?
9 Bagaman si Jehova ay Diyos ng pag-ibig, napopoot din siya sa masama. Halimbawa, sinasabi ng Awit 5:4-6 tungkol kay Jehova: “Ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kabalakyutan . . . Napopoot ka sa lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.” Idinagdag pa nito: “Ang taong nagbububo ng dugo at nanlilinlang ay kinasusuklaman ni Jehova.”
MAGWAWAKAS NA ANG KASAMAAN
10, 11. (a) Ano ang gagawin ni Jehova sa masasama? (b) Paano gagantimpalaan ni Jehova ang mga taong wastong nakaayon?
10 Dahil isa siyang Diyos ng pag-ibig na napopoot sa kasamaan, aalisin ni Jehova sa lupa—at sa buong uniberso—ang kasamaan kapag nasagot na ang isyu tungkol sa kaniyang karapatang mamahala. Ipinapangako ng Salita ng Diyos: “Ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin, ngunit yaong mga umaasa kay Jehova ang siyang magmamay-ari ng lupa. At kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na . . . Ang mga kaaway ni Jehova ay magiging gaya ng mahalagang bahagi ng mga pastulan; sasapit sila sa kanilang kawakasan. Sa usok ay sasapit sila sa kanilang kawakasan.”—Awit 37:9, 10, 20.
11 Ipinapangako rin ng Salita ng Diyos: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” (Awit 37:29) Ang mga matuwid na iyon ay “makasusumpong . . . ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.” (Awit 37:11) Mangyayari ito dahil laging ginagawa ng ating maibiging Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa kaniyang tapat na mga lingkod. Sinasabi ng Bibliya: “Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.” (Apoc. 21:4) Napakagandang kinabukasan nga ang naghihintay sa ating lahat na tunay na nagpapahalaga sa pag-ibig ni Jehova at sumusunod sa kaniya bilang Tagapamahala!
12. Sino ang maituturing na “walang kapintasan”?
12 Sinasabi sa atin ng Bibliya: “Masdan mo ang walang kapintasan at tingnan mo ang matuwid, sapagkat ang kinabukasan ng taong iyon ay magiging mapayapa. Ngunit ang mga mananalansang ay tiyak na pupuksaing sama-sama; ang kinabukasan ng mga taong balakyot ay talagang mapuputol.” (Awit 37:37, 38) Kilala ng mga “walang kapintasan” si Jehova at ang kaniyang Anak at ginagawa nila ang kalooban ng Diyos. (Basahin ang Juan 17:3.) Isinasapuso nila ang pananalita sa 1 Juan 2:17: “Ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito, ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.” Habang papalapít ang wakas ng sanlibutan, napakahalaga para sa atin na “umasa . . . kay Jehova at ingatan . . . ang kaniyang daan.”—Awit 37:34.
ANG DAKILANG KAPAHAYAGAN NG PAG-IBIG NG DIYOS
13. Anong dakilang kapahayagan ng pag-ibig ang ginawa ni Jehova alang-alang sa mga makasalanan?
13 Kahit hindi tayo sakdal, ‘maiingatan natin ang daan ni Jehova.’ Dahil sa kaniyang dakilang kapahayagan ng pag-ibig, puwede rin tayong maging malapít sa kaniya. Inilaan niya ang haing pantubos ni Jesu-Kristo, na nagbukas Roma 5:12; 6:23.) Lubusang nagtitiwala si Jehova sa kaniyang bugtong na Anak, na naging tapat sa kaniya sa langit sa loob ng di-mabilang na mga taon. Bilang maibiging Ama, tiyak na nasaktan ang Diyos sa di-makatuwirang pagtrato kay Jesus sa lupa. Pero buong-katapatang itinaguyod ni Jesus ang soberanya ng Diyos at ipinakita na puwedeng manatiling tapat kay Jehova ang isang sakdal na tao kahit sa ilalim ng pinakamatinding pagsubok.
ng daan para mapalaya ang masunuring mga tao sa kasalanan at kamatayang minana nila kay Adan. (Basahin ang14, 15. Ano ang naisakatuparan ng kamatayan ni Jesus?
14 Sa kabila ng matitinding pagsubok, si Jesus ay nanatiling tapat sa kaniyang Ama at itinaguyod ang soberanya ni Jehova hanggang kamatayan. Dapat lang nating ipagpasalamat na sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan, binayaran din ni Jesus ang halagang pantubos na kailangan para matubos ang sangkatauhan at mabuksan ang daan tungo sa walang-hanggang buhay sa bagong sanlibutan na ipinangako ng Diyos! Ipinakita ni apostol Pablo na napakamaibigin ng ginawang ito ni Jehova at ni Jesus. Sinabi niya: “Sa katunayan, si Kristo, samantalang tayo ay mahina pa, ay namatay para sa mga taong di-makadiyos sa takdang panahon. Sapagkat halos walang sinuman ang mamamatay para sa isang taong matuwid; totoo nga, para sa taong mabuti, marahil, ay may mangangahas pa ngang mamatay. Ngunit inirerekomenda ng Diyos sa atin ang kaniyang sariling pag-ibig anupat, Roma 5:6-8) Isinulat naman ni apostol Juan: “Sa ganito nahayag ang pag-ibig ng Diyos may kaugnayan sa atin, sapagkat isinugo ng Diyos ang kaniyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang magkamit tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ang pag-ibig ay nasa bagay na ito, hindi sa tayo ang umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin at nagsugo ng kaniyang Anak bilang pampalubag-loob na hain para sa ating mga kasalanan.”—1 Juan 4:9, 10.
samantalang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.” (15 Tungkol sa pag-ibig ng Diyos para sa mga tao, sinabi ni Jesus: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Mahal na mahal ng Diyos ang mga tao kaya naman hindi niya ipinagkakait sa kanila ang mabuti anuman ang isakripisyo niya. Walang hanggan ang pag-ibig niya at lagi tayong makaaasa rito. “Kumbinsido ako,” ang isinulat ni Pablo, “na kahit ang kamatayan kahit ang buhay kahit ang mga anghel kahit ang mga pamahalaan kahit ang mga bagay na narito ngayon kahit ang mga bagay na darating kahit ang mga kapangyarihan kahit ang taas kahit ang lalim kahit ang anupamang ibang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na nasa kay Kristo Jesus na ating Panginoon.”—Roma 8:38, 39.
NAMAMAHALA NA NGAYON ANG KAHARIAN NG DIYOS
16. Ano ang Mesiyanikong Kaharian, at kanino ipinagkatiwala ni Jehova ang pamamahala sa Kaharian?
16 Ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao ay makikita sa kaayusang ginagawa niya para sa Mesiyanikong Kaharian. Inilagay na ni Jehova ang gobyernong ito sa kamay ng kaniyang Anak, na may pag-ibig sa mga tao at lubusang kuwalipikadong mamahala. (Kaw. 8:31) Sa pagkabuhay-muli tungo sa langit ng 144,000 kasamang tagapagmana ni Jesus, taglay nila ang kanilang mga karanasan sa lupa bilang tao. (Apoc. 14:1) Ang Kaharian ang pangunahing tema ng turo ni Jesus, at tinuruan niya ang kaniyang mga alagad na ipanalangin: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mat. 6:9, 10) Kapag natupad na ang mga panalanging ito, napakalaking pagpapala ang idudulot nito sa masunuring mga tao.
17. Ihambing ang pamamahala ni Jesus sa pamamahala ng makasalanang mga tao.
17 Ibang-iba ang maibiging pamamahala ni Jesus kaysa sa pamamahala ng tao na umakay sa kamatayan ng milyon-milyon dahil sa digmaan. Si Jesus ay tunay na nagmamalasakit sa kaniyang mga sakop at makikita sa kaniya ang magagandang katangian ng Diyos, lalo na ang pag-ibig. (Apoc. 7:10, 16, 17) “Pumarito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo,” ang sabi ni Jesus. “Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo mula sa akin, sapagkat ako ay mahinahong-loob at mababa ang puso, at masusumpungan ninyo ang kaginhawahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagkat ang aking pamatok ay may-kabaitan at ang aking pasan ay magaan.” (Mat. 11:28-30) Isa ngang pangako na punong-puno ng pag-ibig!
18. (a) Ano ang ginagawa ng Kaharian ng Diyos mula nang itatag ito? (b) Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
18 Ipinakikita ng hula ng Bibliya na ang makalangit na Kaharian ng Diyos ay itinatag nang magsimula ang pagkanaririto ni Kristo noong 1914. Mula noon, tinitipon na ang mga nalabi na mamamahalang kasama ni Jesus sa langit pati na ang “isang malaking pulutong” ng mga tao na makaliligtas sa wakas ng sistemang ito at makatatawid sa bagong sanlibutan. (Apoc. 7:9, 13, 14) Gaano na karami ang malaking pulutong ngayon? Ano ang hinihiling sa kanila? Tatalakayin iyan sa susunod na artikulo.