Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ano sa Palagay Mo?

Ano sa Palagay Mo?

Makatutulong ba ang Bibliya para maging kaibigan ka ng Diyos?

NANINIWALA ANG ILAN . . .

na hindi sila puwedeng maging kaibigan ng Diyos dahil pakiramdam nila ay marumi sila o makasalanan. Sinasabi naman ng iba na walang pakialam sa atin ang Diyos. Ano sa palagay mo?

ANG SABI NG BIBLIYA

Malapít ang ‘kaugnayan ng Diyos sa mga matuwid.’ (Kawikaan 3:32) Kung susundin natin ang Diyos, magiging kaibigan niya tayo.

ANO PA ANG MATUTUTUHAN NATIN SA BIBLIYA?

  • Gusto ng Diyos na maging Kaibigan natin siya.—Santiago 4:8.

  • Bilang ating Kaibigan, handa siyang tumulong at magpatawad sa atin.—Awit 86:5.

  • Ang mga kaibigan ng Diyos ay umiibig sa mga iniibig niya at napopoot sa mga kinapopootan niya.—Roma 12:9.