Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Kung ang isang lalaki at babae na hindi mag-asawa ay nagpalipas ng gabi nang silang dalawa lang at walang makatuwirang dahilan, isa ba itong kasalanan na kailangang asikasuhin ng hudisyal na komite?

Oo, kung talagang walang makatuwirang dahilan, dapat bumuo ng hudisyal na komite dahil matibay ang ebidensiya na may nangyaring seksuwal na imoralidad.—1 Cor. 6:18.

Maingat na titimbangin ng lupon ng matatanda ang bawat sitwasyon para malaman kung kailangang bumuo ng hudisyal na komite. Halimbawa: May romantikong ugnayan ba ang dalawa? Dati na ba silang napayuhan tungkol sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa? Bakit kinailangan nilang magpalipas ng gabi nang silang dalawa lang? Pinagplanuhan ba nila ito? May paraan ba para maiwasan nila ito, o mayroon talagang makatuwirang dahilan, marahil isang di-inaasahang pangyayari o isang emergency kung kaya wala na silang nagawa kundi ang magpalipas ng gabi nang silang dalawa lang? (Ecles. 9:11) Magkatabi ba silang natulog? Dahil magkakaiba ang bawat sitwasyon, baka may iba pang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang ang mga elder.

Matapos malaman ang talagang nangyari, magpapasiya ang lupon ng matatanda kung dapat silang bumuo ng hudisyal na komite.