Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Umasa kay Jehova Kapag Binu-bully

Umasa kay Jehova Kapag Binu-bully

Puwede tayong masaktan sa pisikal at emosyonal dahil sa mga bully. Kung matatakot tayo sa pagsalansang nila, baka maapektuhan nito ang espirituwalidad natin. Ano ang puwede mong gawin kapag may nambu-bully sa iyo?

Naharap ito ng maraming lingkod ni Jehova dahil umasa sila sa kaniya. (Aw 18:17) Halimbawa, kinailangang magsalita ni Esther para ibunyag ang mga plano ng masamang si Haman. (Es 7:​1-6) Pero bago niyan, nag-ayuno muna siya para ipakitang umaasa siya kay Jehova. (Es 4:​14-16) Pinagpala siya ni Jehova at pinrotektahan siya at ang bayan.

Mga kabataan, kapag binu-bully kayo, humingi ng tulong kay Jehova at sabihin ito sa isang may-gulang na adulto, gaya ng inyong mga magulang. Kapag ginawa ninyo iyan, siguradong tutulungan din kayo ni Jehova. Ano pa ang puwede ninyong gawin?

PANOORIN ANG VIDEO NA BUHAY NG TEENAGER—PAANO KO MAKAKAYANAN ANG PAMBU-BULLY? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Ano ang matututuhan ng mga kabataan kina Charlie at Ferin?

  • Paano makakatulong sa mga magulang ang sinabi nina Charlie at Ferin para matulungan ang mga anak nila kapag binu-bully?