Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Mga Pastol na Ginagawa ang Makakabuti sa Bayan ni Jehova

Mga Pastol na Ginagawa ang Makakabuti sa Bayan ni Jehova

Marami ang walang tiwala sa mga taong nasa awtoridad. Hindi naman nakakapagtaka kung bakit. Noon pa man, inaabuso na ng marami ang awtoridad nila para sa sarili nilang pakinabang. (Mik 7:3) Mabuti na lang, ginagamit ng mga elder sa kongregasyon ang awtoridad nila para sa ikabubuti ng bayan ni Jehova.​—Es 10:3; Mat 20:​25, 26.

Ibang-iba ang mga elder sa mga may awtoridad sa sanlibutan. Ginagampanan nila ang atas nila bilang tagapangasiwa dahil mahal nila si Jehova at ang bayan niya. (Ju 21:16; 1Pe 5:​1-3) Sa ilalim ng patnubay ni Jesus, tinutulungan ng mga pastol na ito ang bawat kapatid na maramdamang bahagi siya ng pamilya ni Jehova at manatiling malapít sa Kaniya. Nakahanda silang magbigay ng espirituwal na tulong sa mga tupa ni Jehova. At kapag may medical emergency o sakuna, tumutulong sila agad. Kung kailangan mo ng tulong, lumapit sa isang elder sa kongregasyon mo.​—San 5:14.

PANOORIN ANG VIDEO NA MGA PASTOL NA NAGMAMALASAKIT SA KAWAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano natulungan ng mga elder si Mariana?

  • Paano natulungan ng mga elder si Elias?

  • Matapos panoorin ang video, ano ang naging pananaw mo sa gawain ng mga elder?