Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Gamitin ang JW.ORG Home Page sa Iyong Ministeryo

Gamitin ang JW.ORG Home Page sa Iyong Ministeryo

Makikita sa home page ng ating website ang mga artikulo at video na makakakuha ng interes ng tapat-pusong mga tao. (Gaw 13:48) Kadalasan nang tungkol ito sa mga paksang nasa balita o mga bagay na iniisip o pinag-uusapan ng mga tao.

Paano mo magagamit ang jw.org home page sa iyong ministeryo?

  • Regular na tingnan ang website. Tingnan ang mga nasa ilalim ng “Tampok,” at pag-isipan kung paano mo iyon magagamit para tulungan ang isang interesado. (Para makita ang iba pang itinampok sa home page, i-click ang “Tingnan ang Iba Pa.”) Kapag updated ka sa website, makakahanap ka ng mga bagong paraan na magagamit mo sa ministeryo.

  • Gamitin ang mga artikulo at video na nasa home page para magpasimula ng pag-uusap. Makakatulong ito para magkaideya tayo sa iniisip ng mga tao.

  • Ipakita sa kausap ang home page. Ipakita ang ilang paksa, at turuan siya kung paano ina-navigate ang website.

  • Mag-share ng link. May mga taong ayaw makipag-usap sa atin nang personal, pero okey lang sa kanila na puntahan ang website. Kaya huwag magdalawang-isip na magpadala sa mga interesado ng link ng home page o ng isang espesipikong artikulo o video na itinampok doon.