Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kung Ano ang Magagawa ng Panalangin Para sa Iyo

Kung Ano ang Magagawa ng Panalangin Para sa Iyo

May malalang sakit si Pamela, kaya nagpatingin siya sa doktor. Pero nanalangin din siya sa Diyos para humingi ng lakas na makayanan ang kaniyang sitwasyon. Natulungan ba siya ng panalangin?

“Kapag may treatment ako para sa cancer ko, takot na takot ako,” ang sabi ni Pamela. “Pero kapag nananalangin ako sa Diyos na Jehova, kumakalma ako at mas nakakapag-isip ako nang tama. Hindi naman nawawala ang sakit na nararanasan ko, pero natutulungan ako ng panalangin na maging positibo. Kapag kinukumusta ako ng mga tao, sinasabi ko, ‘Hindi maganda ang pakiramdam ko, pero masaya pa rin ako!’”

Siyempre, hindi naman natin kailangang hintayin na manganib ang buhay natin o na may dumating na napakabigat na problema bago tayo manalangin. Lahat tayo ay nagkakaproblema—malaki man ito o maliit. At madalas, kailangan natin ng tulong para maharap iyon. Makakatulong ba ang panalangin?

Ang sabi ng Bibliya: “Ihagis mo kay Jehova ang pasanin mo, at aalalayan ka niya. Hindi niya kailanman hahayaang mabuwal ang matuwid.” (Awit 55:22) Nakakapagpatibay iyan! Kaya paano ka matutulungan ng panalangin? Kapag mananalangin ka sa Diyos sa tamang paraan, ibibigay niya ang kailangan mo para maharap mo ang mga problema.​—Tingnan ang kahong “ Kung Ano ang Maibibigay ng Panalangin sa Iyo.”