Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kailangan Natin ng Isang Mas Magandang Mundo!

Kailangan Natin ng Isang Mas Magandang Mundo!

“Napakagulo ng mundo natin,” ang sabi ni António Guterres, secretary-general ng United Nations. Siguradong sang-ayon ka rin sa sinabi niya.

Napakaraming masasamang balita

  • Sakit at pandemic

  • Likas na sakuna

  • Kahirapan at gutom

  • Polusyon at global warming

  • Krimen, karahasan, at korapsiyon

  • Digmaan

Maliwanag, kailangan natin ng isang mas magandang mundo. Isang mundo na

  • Walang nagkakasakit

  • Ligtas at panatag ang lahat

  • Sagana sa pagkain

  • Malinis ang kapaligiran

  • Walang naaapi

  • Payapa

Ano nga ba ang isang mas magandang mundo?

Ano ang mangyayari sa mundong tinitirhan natin ngayon?

Ano ang dapat nating gawin para mabuhay tayo sa mas magandang mundong iyon?

Sa isyung ito ng Bantayan, ipapakita ang sagot ng Bibliya sa mga tanong na iyan at sa iba pang kaugnay na tanong.