Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Tip sa Pag-aaral

Tip sa Pag-aaral

Paano Tayo Magiging Updated sa mga Paglilinaw sa Pagkaunawa Natin?

Kapana-panabik ang panahon natin kasi lalong nililinaw ni Jehova ang pagkaunawa natin sa Bibliya. (Dan. 12:4) Pero baka mahirapan tayong makasabay sa mga pagbabago. Kaya saan natin makikita ang mga bagong paliwanag sa mga katotohanan sa Bibliya?

• Sa heading na “Beliefs Clarified” ng Watch Tower Publications Index, makikita ang kumpletong listahan ng mga paglilinaw ayon sa taon. Para naman sa listahan na ayon sa paksa, i-type ang “understanding clarified” (kasama ang mga quotation mark) sa search box ng Watchtower Library o Watchtower ONLINE LIBRARY.

• Sa Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova, mas kaunti ang makikita sa listahan at ayon ito sa paksa. Magpunta sa heading na “Saksi ni Jehova”; pagkatapos, “Pananaw at Paniniwala”; at pagkatapos, “Paglilinaw Tungkol sa Ating mga Paniniwala.”

Bakit hindi mo ito gawing study project? Puwede kang pumili ng isa sa mga bagong paglilinaw at i-research ang kasalukuyan nating paliwanag pati na ang basehan sa Bibliya ng pagbabagong ito.