Maglinis Tayo
I-download:
1. Malinis si Jehova.
Gawa niya’y kay ganda.
Pagkatapos maglaro ay nagliligpit ako.
’Pag tayo’y naglilinis,
Natutuwa ang Diyos.
2. Malinis si Jehova.
Siya’y gagayahin ko.
Tutulong ako lagi; sasamang maglilinis.
’Pag tayo’y naglilinis,
Natutuwa ang Diyos.
3. Malinis si Jehova.
At siya ang ating Diyos.
Gamit nati’y linisin; kay saya nitong gawin!
’Pag tayo’y naglilinis,
Natutuwa ang Diyos.