Trinidad ba ang Diyos?
Ang sagot ng Bibliya
Maraming relihiyong Kristiyano ang nagtuturo na ang Diyos ay Trinidad. Pero pansinin kung ano ang sinasabi ng Encyclopædia Britannica: “Hindi lumilitaw ang salitang Trinidad, ni ang doktrinang ito sa Bagong Tipan . . . Ang doktrina ay unti-unting nabuo sa loob ng daan-daang taon at sa kabila ng maraming kontrobersiya.”
Sa katunayan, hindi kailanman inilarawan sa Bibliya ang Diyos bilang bahagi ng isang Trinidad. Pansinin ang sumusunod na mga teksto sa Bibliya:
“Si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova.”—Deuteronomio 6:4.
“Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”—Awit 83:18.
“Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.”—Juan 17:3.
“Ang Diyos ay iisa lamang.”—Galacia 3:20.
Bakit kaya sinasabi ng maraming relihiyong Kristiyano na ang Diyos ay Trinidad?