Pumunta sa nilalaman

Warwick Photo Gallery 2 (Setyembre Hanggang Disyembre 2014)

Warwick Photo Gallery 2 (Setyembre Hanggang Disyembre 2014)

Makikita sa photo gallery ang pagsulong ng pagtatrabaho sa bagong punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova mula Setyembre hanggang Disyembre 2014.

Drawing ng buong pasilidad sa Warwick. Paikot mula sa itaas sa kaliwa:

  1. Vehicle Maintenance Building

  2. Visitor Parking

  3. Maintenance Building/Resident Parking

  4. Residence B

  5. Residence D

  6. Residence C

  7. Residence A

  8. Offices/Services Building

Setyembre 11, 2014​—Visitor Parking

Paggawa ng prefabricated roof trusses para sa residence C gamit ang mga steel stud.

Setyembre 18, 2014​—Warwick site

Tanawin mula sa utility easement sa gawing timog ng site, nakaharap sa hilaga sa Sterling Forest Lake (Blue Lake). Kasindami ng 13 crane ang umaandar nang sabay-sabay. Makikita sa harap ang ibinubuhos na semento para sa pundasyon ng residence B.

Setyembre 26, 2014​—Offices/Services Building

Mga biga at haliging bakal na handa nang ilagay. Dahil bakal ang ginamit sa istraktura ng Offices/Services Building, mas malaki at maluwang ang mga floor-plan at mas mabilis ang pagtatayo.

Oktubre 9, 2014​—Warwick site

Binubuo ng mga manggagawa ang prefabricated roof trusses, na tinatakpan ng metal decking at waterproof membrane, para sa buong bubong para sa residence C. Isang kalahating bubong ang itinatayo sa likuran at sa gawing kaliwa.

Oktubre 15, 2014​—Offices/Services Building

Inilalagay ng mga kontratista ang mga bigang bakal malapit sa timog-kanlurang bahagi ng gusali. Sa seksiyong ito ilalagay ang kusina, dining room, laundry, at iba pang support department.

Oktubre 15, 2014​—Warwick site

Isang maliit na walis ang iniaabot sa isang manggagawang naglalagay ng mga sanitary drainage fitting.

Oktubre 20, 2014​—Warwick site

Ang modelong dingding na ito ay ginawa para matiyak kung ano ang gagamiting istilo ng hugpungan, kulay ng semento, at paraan ng paglalagay ng brick. Ginamit din ito bilang demonstration panel sa dumarating na bagong mga kantero. Ngayon, tapós nang gamitin ang dingding at binabaklas na ito.

Oktubre 31, 2014​—Residence C

Isang prefabricated na kalahating bubong na inaangat ng crane sa kalalagyan nito. Ang dos aguas na bubong sa bawat dulo ng mga residence building ay nagpapaganda sa mga gusali kapag pinagmasdan sa malayo.

Nobyembre 7, 2014​—Maintenance Building/Resident Parking

Isang 95,000 litrong tangke ng gasolina na ibinababa sa lugar nito. Gagamitin ito para sa mga boiler.

Nobyembre 12, 2014​—Residence C

Tanawin ng gawing timog ng gusali, makikita ang Blue Lake sa dulong kanan ng larawan. Iba’t ibang kulay at texture ng mga materyal ang ginamit sa labas para gumanda ang gusali.

Nobyembre 21, 2014​—Maintenance Building/Resident Parking

Isang team ng mag-asawang tubero na naglalagay ng mga drainpipe bilang paghahanda sa pagbubuhos ng semento.

Nobyembre 28, 2014​—Offices/Services Building

Pinapala at inaalis ang niyebe sa bubong.

Disyembre 1, 2014​—Maintenance Building/Resident Parking

Isa pang team na mag-asawa na pinag-aaralan ang mga plano ng sistema ng mga tubo.

Disyembre 10, 2014​—Maintenance Building/Resident Parking

Patuloy ang paghuhukay, paglalagay ng mga porma, at pagbubuhos ng semento sa kabila ng pag-ulan ng niyebe. Sa itaas na gawing kaliwa ng larawan, ang mga seksiyon ng Offices/Services Building ay binalot ng plastik na tarpulin para ang mga gawain na nangangailangan ng kontroladong temperatura, gaya ng pagbubuhos ng semento at fireproofing, ay magawa pa rin sa panahon ng taglamig.

Disyembre 12, 2014​—Residence D

Mga manggagawa na naglalagay ng vapor membrane sa kongkretong haligi at mga slab edge bago ilagay ang panlabas na mga dingding.

Disyembre 15, 2014​—Warwick site

Tanawin mula sa himpapawid, nakaharap sa kanluran. Ang mga residence building ay nasa itaas ng larawan. Ang malaking puting gusali malapit sa gitna ng larawan ay ang Offices/Services Building. Wala pang 20 porsiyento ng humigit-kumulang 100 ektaryang lupa ang sakop ng konstruksiyon, anupat naingatan ang kalapit na kagubatan.

Disyembre 15, 2014​—Warwick site

Tanawin mula sa himpapawid, nakaharap sa silangan. Makikita ang residence C at D malapit sa ibaba ng larawan. Sa residence C, natapos na ng mga kontratista ang dos aguas na mga bubong sa paglalagay ng mga metal roofing panel.

Disyembre 25, 2014​—Residence C

Naglalagay ang isang karpintero ng laminated na sahig sa isang modelong kuwarto. Para sa bawat kuwarto sa residence, isa sa apat na klase ng finishing ang gagamitin. Kasama sa package na ito ang kulay ng pintura, carpet, laminated na sahig, tile, at mga countertop.

Disyembre 31, 2014​—Offices/Services Building

Ang kongkretong sahig ay mano-manong tinatapos para magkaroon ng tamang deklibe para umagos ang tubig sa floor drain.

Disyembre 31, 2014​—Residence C

Isang 77-anyos na technician ang naglalagay ng multi-strand fiber-optic distribution na kable. Kapag natapos na ang proyekto, mga 32 kilometro ng mga kableng gaya nito ang nailagay.