Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kabisaduhin ang mga Aklat ng Bibliya (Bahagi 3)

Kabisaduhin ang mga Aklat ng Bibliya (Bahagi 3)

I-download:

  1. 1. Mateo—Dumating si Jesus, nagturo sa atin.

    Marcos—Himala, patunay si Jesus Anak ng Diyos.

    Lucas—Matuto mula sa mga kuwento ni Jesus.

    Juan—Gaya ni Lazaro, mga patay mabubuhay.

    Gawa—Kaharian, ipinangaral sa buong mundo.

    Roma—Awa ng Diyos ay para sa lahat.

    Unang Corinto—Itinuro tunay na pag-ibig.

    Ikalawang Corinto—Mahal ng Diyos ang handang magpatawad.

    Galacia—Gumawa ng mabuti, at huwag manghihina.

    Efeso—Pamilya, kung paano sasaya.

    Filipos—Magpokus sa totoo, mabuti, at tama.

    Colosas—Magiging masaya kapag masunurin ka.

    Unang Tesalonica—Kailanman, saanman, puwedeng mag-pray.

    Ikalawang Tesalonica—Anumang problema, tutulong si Jehova.

    Unang Timoteo—Kasulatan, alam niya mula pa no’ng bata siya.

    Ikalawang Timoteo—Kongregasyon, tinulungan niyang sumulong.

    Tito—Mga elder, mahal na mahal natin.

    Filemon—Dating alipin, naging kaibigan niya.

    Hebreo—Sa mga pulong, lagi tayong dumalo.

    Santiago—Mabubuting regalo, lahat galing sa Diyos.

    Unang Pedro—Halimbawa ni Kristo, dapat na tularan.

    Ikalawang Pedro—Bayan ni Jehova, dapat laging malinis.

    Unang Juan—Mahal natin ang Diyos kung siya’y sinusunod.

    Ikalawang Juan—Lumakad sa katotohanan, at maging tapat.

    Ikatlong Juan—Maging mapagpatuloy sa mga kapatid.

    Judas—Satanas, talunin. Tama’y laging gawin.

    Apocalipsis—Sinabing Paraiso’y darating.

    (KORO)

    Ang Bibliya’y napakagandang aklat.

    Ang awtor nito ay si Jehova.

    Basahin natin ’to nang tayo’y matuto.

    Ang Bibliya’y napakagandang aklat.