Pumunta sa nilalaman

Kaliwa pakanan: Sina Brother Vladimir Bukin, Mikhail Burkov, Valeriy Slashchev, at Sergey Yufer

ENERO 26, 2022 | UPDATED: HUNYO 27, 2023
RUSSIA

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Pagtulong sa Iba at Pagtitiwala kay Jehova ang Nagpapalakas sa mga Kapatid sa Tynda

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Pagtulong sa Iba at Pagtitiwala kay Jehova ang Nagpapalakas sa mga Kapatid sa Tynda

Noong Hunyo 23, 2023, hinatulan ng Tyndinskiy District Court of the Amur Region sina Brother Vladimir Bukin, Mikhail Burkov, Valeriy Slashchev, at Sergey Yuferov. Sinentensiyahan si Mikhail na mabilanggo nang anim na taon at dalawang buwan. Pare-pareho namang nahatulan sina Vladimir, Valeriy, at Sergey na mabilanggo nang anim na taon at apat na buwan. Agad na ibinilanggo ang apat na kapatid.

Noong Disyembre 27, 2022, binaligtad ng Amur Regional Court ang hatol na pagkabilanggo kina Vladimir, Mikhail, Valeriy, at Sergey. Muli silang haharap sa paglilitis. Pinalaya sila pero pinagbawalang umalis sa Amur Region.

Noong Oktubre 25, 2022, hinatulan ng Tyndinskiy District Court of the Amur Region sina Vladimir, Mikhail, Valeriy, at Sergey. Sina Vladimir, Valeriy, at Sergey ay hinatulang mabilanggo nang tig-anim na taon at anim na buwan. Si Mikhail ay hinatulang mabilanggo nang anim na taon at dalawang buwan. Mula sa hukuman, agad na ikinulong ang apat na kapatid.

Time Line

  1. Nobyembre 17, 2019

    Hinalughog ng mga pulis ang mga bahay ng walong pamilyang Saksi ni Jehova sa lugar na iyon, kasama na ang mga bahay ng apat na brother

  2. Nobyembre 18, 2019

    Kinasuhan ng mga imbestigador ang apat na brother ng pagiging ekstremista. Inilagay sila sa probation at pinagbawalang umalis ng kanilang lugar

  3. Hulyo 26, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Nagtitiwala tayo na patuloy na ‘magpapakita si Jehova ng tapat na pag-ibig’ sa mahal nating mga kapatid at sa lahat ng tapat na lingkod niya.​—Genesis 39:21.