Pumunta sa nilalaman

Si Sister Galina Abrosimova

MAYO 10, 2022
RUSSIA

UPDATE | Nadaig ni Galina Abrosimova ang Takot Niya

UPDATE | Nadaig ni Galina Abrosimova ang Takot Niya

Noong Agosto 11, 2022, ibinasura ng Nizhny Novgorod Regional Court ang apela ni Sister Galina Abrosimova. Hindi siya mabibilanggo sa ngayon.

Noong Mayo 6, 2022, sinentensiyahan si Galina ng Sovietskiy District Court ng Nizhny Novgorod ng anim-na-taóng suspended prison sentence.

Time Line

  1. Hunyo 4, 2019

    Sinimulan ng mga imbestigador ang isang kaso laban sa ilang Saksi ni Jehova sa Nizhny Novgorod Region. Inakusahan sila ng pagdaraos ng mga pulong, pangongolekta ng mga donasyon, at paghikayat sa iba na sumama sa isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon

  2. Hulyo 17, 2019

    Ni-raid at hinalughog ang mga bahay ng 35 pamilya ng mga Saksi ni Jehova. Inaresto si Galina at inilagay sa isang temporary detention center nang dalawang araw

  3. Oktubre 19, 2021

    Nagsimula ang paglilitis kay Galina

Profile

Kumbinsido tayo na patuloy na bibigyan ni Jehova ng lakas ng loob ang mga kapatid natin sa Russia para ‘makatayo sa harap ng mga gobernador at mga hari at makapagpatotoo sa kanila.’—Marcos 13:9.